^

Pang Movies

Machong actor nirereklamo ng mga nakaka-sex!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sobrang perfect tingnan ang male celebrity na ito.

Guwapo, maganda ang katawan, magaling pumorma, habulin ng mga babae at pantasya ng mga bading. Pero may isang bagay lang na nakakasira sa kanya at ito ay ang kanyang performance sa kama.

Halos lahat raw ng mga babaeng naikama na ni male celebrity ay iisa lang ang reklamo, na hindi sila satisfied.

Matagal nga raw nilang hinintay ang pagkakataong matikman nila ang male celebrity sa kama. Pero ang ending ay bitin sila at wala na nga raw take two.

Wala naman daw problema sa size ng pagkalalake nito. Ang reklamo nila ay ang masyadong mabilis matapos ito.

Kapag natapos na raw ito, tutulugan na lang nito ang kanyang kasama sa kama at hindi man lang itatanong kung okey na ito.

Nagkuwento ang isang starlet na naka-one night stand ni male celebrity na for the first time ay nabitin siya sa isang lalaki.

Never daw siyang iniiwan sa ere ng isang lalaki at naranasan lang daw niya ‘yan sa guwapong male celebrity.

Binalaan na raw si starlet ng kabarkada ni guwapong male celebrity na hindi ito maliligayahan dahil mabilis itong matapos. Baka raw tinatanggal pa lang ni male celebrity ang panty niya ay tapos na ito.

Kawawa lang daw siya dahil walang magaganap na second round dahil knock out na raw ito after ng round one.

Hindi naniwala ang starlet at baka sinisiraan lang ang guwapong male celebrity. Pero totoo pala ang lahat!

“Unang reaction ko, ‘Gano’n?!’ Eh ang guwapo-guwapo niya at parati na lang niya akong niyaya kapag nagte-taping kami noon ng teleserye. Ako nga itong nambibitin sa kanya kasi nagpakipot kiyeme pa ako.

“Nalokah talaga ako kasi ang bilis ng mga pangyayari!

“Mas matagal pa ang ginawa kong pag-prep sa loob ng banyo kesa sa naganap sa amin.

“Akala ko gininaw lang, ‘yun pala tapos na siya!” malakas na tawa ng sexy star.

At tama nga ang kuwento sa kanya na tinulugan lang siya ng male celebrity. Ni hindi man lang tinanong kung naabot pa niya ang sukdulan.

“Ang tagal ko siyang binitin, ako pala ang mabibitin. At dedma siya noong makatapos na siya. Tumalikod na siya at humilik.

“Tama na ‘yung one night stand na iyon. Mabuti pa ‘yung mga stuntmen na nakaka-do ko. Bongga sila at sagana ako sa lahat. Wala talaga sa hitsura ang pagiging mahusay mo sa kama!” talak pa ng nabiting starlet.

Cong. Monsour tutol sa pagbebenta ng RMSC

Kabilang si Makati City Congressman Monsour del Rosario sa nakikipaglaban para hindi mabenta ang 83-year-old na Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) para gawin itong commercial at residential center.

Noong January pa ng taong ito sinimulan ng actor-turned-politician ang pagbuo ng grupo para maisalba at ma-preserve ang historical na RMSC.

Kasama rito ni Monsour ang mga national athletes at fellow Olympians niya na naging malaking parte ng buhay ang RMSC dahil dito sila nag-training ng ilang taon.

Si Monsour mismo ay nag-train ng kanyang taekwondo sa RMSC noong lumaban ito sa 1988 Seoul Olympics.

Kelan lang ay nakatanggap si Monsour ng information na ang gustong bumili sa 9.6 hectare property ng RMSC at hindi ide-demolish ng buo ang naturang complex.

“I was told that this group plans to preserve the baseball and football fields and basketball court and won’t demolish everything.

“I’m okay with that. Just don’t put up a casino or a shopping mall,” diin pa ng actor-politician.

Kasalukuyang ginagamit pa ang RMSC para sa training ng mga athletes na lalaban sa 29th Southeast Asian Games na magaganap sa August 2017.

Itutuloy na lang daw ang negotiations para sa takeover ng RMSC pagkatapos ng SEA Games para hindi raw masira ang traing ng mga atleta.

Itinayo ang Rizal Memorial Sports Complex noong 1934 at naging venue ito ng ilang international sports events na ginanap sa Pilipinas tulad ng Asian Games, SEA Games, World Basketball Championships, Major League Baseball Championships at marami pang iba.

Ang RMSC rin ang natatangging venue kunsaan nagtanghal sa unang pagkakataon ang The Beatles noong dumating sila sa Pilipinas in July 1966.

Kim Kardashian magpapaopera para magkaanak ulit

Sa hangad na magkaroon pa ng isa pang anak, dadaan sa isang maselang operasyon sa kanyang uterus ang reality TV star na si Kim Kardashian-West.

Ayon sa 36-year old star ng Keeping Up With The Kardashians:

“I have to go in and repair my uterus because I decided I’m going to try to have one more baby. Isn’t that exciting?”

Inakala ng mga kapatid ni Kim na okey na siya sa dalawang anak nila ni Kanye West na sina North at Saint. Pero gusto pa raw ni Kim ng isa pa.

“I have to have a surgery on my uterus to kind of repair this hole, so they need to like clean that out and then there’s scar tissue.

“It will still be a really high-risk pregnancy, just you’d be able to get pregnant.

“Having more kids is definitely going to be a struggle. I’ve gone through so much with really bad deliveries that the doctors don’t feel like it’s safe for me to conceive again myself.

“This surgery is really the one last thing I can try,” pagtatapos pa ni Kim Kardashian-West.

vuukle comment

KIM KARDASHIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with