^

Pang Movies

Zoren kinuyog ng mga bakla

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Akala namin ay may sakuna o away sa isang isang mall dahil may mga taong nakatunganga. May tini­tingnan sila, natural, tumunganga rin ako.

‘Yun pala ang aktor na si Zoren Legaspi ang pinagkakaguluhan. Napakapogi naman kasi ni Zoren na talagang nakaka-attract, ang mga chiching ay agad na naglabas ng mga camera at nakipag-selfie sa aktor. Feeling ko nababasa na ang mga panty nila.

Rinig na rinig ko ang mga baklang nagsisigawan na ang sabi:

“Hay ang sarap mo pisil-pisilin Zoren, ang macho mo! Pogi pala in person!”

Oo naman, walang pangit sa tatlong anak ni Lito Legaspi na tulad niya ay puro mga artista. Ika nga like father like sons. Maganda rin ang kanilang ina.

Si Lito ay isa sa mga magagaling na artista ng Sampaguita Pictures. Isa sa pinakamakisig at minana ng tatlong anak ang katangian ng ama. Non-appearance na rin si Lito sa showbiz, abala kasi siya sa isang family business, gaya ng anak na si Brando.

Ang aktibo na lang sa telebisyon at movies ay sina Zoren at Kier. Malakas pala ang hatak ng commercial ni Zoren with his twins and wife. Dahil daw sa ice cream ay humirit ang career ni Zoren.

Ibig sabihin pati ang masaganang pamumuhay. Pa-ice cream ka naman Zoren! Ang init ng panahon, summer na, kaya masarap magpunta sa kusina!

Julie Anne magaling umiyak

Ang babaw ng luha ni Julie Anne San Jose sa totoong buhay. Hindi gawa-gawa lang o pilit ‘yung ginagawa niyang pag-iyak bilang si Santina sa GMA 7 noon prime time na Pinulot Ka lang Sa Lupa.

Puro iyak ang role niya sa nasabing programa, madali lumabas ang luha sa mga mata niya, na akala mo ay gripo kung dumaloy.

Ang magandang bansag sa kanya ay crying lady at baka magka-award pa siya. Anyway, ibig sabihin lang magaling siyang artista!

Poging aktor ngayon lang nakabili ng maraming brief

Kwento ng isang tsufatid, may isang poging actor na umuusad na ang movie career dahil may mga project na sa isang TV network.

Ibig lang sabihin, medyo okay na rin ang TF niya kaya tiyak na nakakabili na siya ng sariling gamit sa katawan.

Noon daw kasing ‘di pa siya artista at wa pa datung, anim lang daw ang brief niya at ang dalawa ay gutay-gutay na pero isinusuot pa rin niya. Kaya ngayon daw bili siya ng dose-dosenang brief.

Well, Congratulations!

vuukle comment

ZOREN LEGASPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with