^

Pang Movies

Regine maluwag sa mga kaibigan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kahit nasa magkaibang networks na sina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at Soul Diva Jaya, hindi pa rin nawawala ang pagiging magkumare nila.

Sa katunayan ay noong birthday ni Jaya last March 21 ay bongga at mamahalin ang naging regalo ni Regine.

Kilala kasi si Regine sa pagiging generous at hindi basta-basta ang mga nireregalo nito sa kanyang mga kaibigan at katrabaho.

Niregaluhan nga ni Regine si Jaya ng Gucci Embroidered Suede Platform Espadrille na magagamit nito ngayong summer sa beach.

Nalokah si Jaya sa mamahaling regalo na ito ni Regine kaya pinost pa niya ito sa kanyang Instagram account.

“@reginevalcasid Susmaryoseeeep Mare naman nakakaloka ang gift mo. so appreciate your love and friendship Mare salamat!!!! God bless you always.”

Kapag tiningnan sa website ng Gucci ang halaga ng niregalo ni Regine kay Jaya, nagkakahalaga ito ng $695 or P34,955.03.

Kaya irarampa lang naman ni Jaya sa beach ay sapatos na higit sa trente mil ang halaga!

Rafael nag-e-experiment sa mga role

Isa si Rafael Rosell sa gustong gumanap ng iba’t ibang klase ng role sa TV man o sa pelikula.

Ayaw nga raw na ma-identify si Rafael sa iisang klaseng role lang at sinisiguro niya na ang susunod na gagampanan niyang papel ay iba sa huli niyang ginawa.

“I think once you get comfortable in a role, doon natatapos ang excitement eh.

“So it’s always necessary na dagdagan mo ng iba’t ibang factors, challenges, or quirks, traits, mannerisms ang isang character para maging interesting siya,” diin pa niya.

Huling napanood si Rafael sa GMA teleserye na Sinungaling Mong Puso kung saan gumanap siya bilang kontrabida. Ngayon ay ginagawa niya ang teleserye na Impostora na bida si Kris Bernal.

Sa character niya sa mag-uumpisang serye, may sariling interpretation si Rafael para mas ma-excite raw siya sa kanyang role.

Emma Thompson ibinuko ang ginawa sa kanya ni Donald Trump noong 1998

Inamin ng Oscar winner na si Emma Thompson na minsan ay niyaya siyang mag-date nang ngayo’y U.S. President Donald Trump.

Nangyari raw iyon noong 1998, kasalukuyang pina-finalize ang divorce niya sa dating mister na si Kenneth Branagh. Ginagawa rin daw niya ang pelikulang Primary Colors nang yayain siya ni Trump na mag-date sila.

Kinuwento ito ng British actress sa isang Swedish talk show kamakailan:

“The phone rang in my trailer. So I lift up the phone — ‘Hi, it’s Donald Trump here.’

“And I said, ‘Really? Can I help you?’ And he said, ‘Yeah, I just wondered if I could offer you some accommodation in one of my Trump Towers. They’re really comfortable.”

Nagtaka si Emma kung paano nalaman ni Trump kung saan siya tatawagan. Never pa raw niya itong na-meet in person.

Sinabi pa raw ni Trump: “‘Well, I think we would get along very well — maybe have dinner sometime.’”

Dahil hindi alam ng aktres ang isasagot niya, sinabi na lang niya ay “‘I’ll get back to you.’”

Pero hindi raw tinawagan ni Emma si Trump kaya up to this day ay hindi pa niya ito nakikilala ng personal.

Noong mga panahon na iyon ay kakahiwalay din lang ni Trump sa kanyang second wife na si Marla Maples.

Wala pang comment ang White House sa revelation na ito ni Emma Thompson na kasalukuyang gumaganap bilang Mrs. Potts sa Disney live action animation na Beauty and The Beast.

vuukle comment

REGINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with