^

Pang Movies

Rocco at Lovi nag-iyakan sa ‘closure!’

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ang nagkaroon naman ng closure ngayon ay ang dating mag-sweetheart na sina Rocco Nacino at Lovi Poe na sa loob ng one year ay walang communication since their break-up. Naga­ nap ito sa Stockpile resto/bar na isa sa may-ari si Gabby Eigenmann. A few days before his birthday last March 21, kaya advanced birthday gift na raw ito sa kanya. Nang malaman niyang nandoon si Lovi, siya na ang lumapit, at tinanong kung pwede silang mag-usap.

Mula raw 9:00 p.m. to 3:00 a.m. the following day tumagal ang pag-uusap nila, nagkaiyakan pa sila nang mapag-usapan nila ang dahilan ng break-up nila. Pagkatapos daw noon ay gumaan na ang dibdib niya at labis ang pasasalamat niya kay Lovi.

Ngayon, mas masaya siyang nagtatrabaho bilang si Aquil sa Encantadia dahil wala na siyang iisipin at tuluy-tuloy na ang pag-move on niya.

Thea hindi nabakante nang mag-kontrabida

Ultimate winner ng talent search na Protégé si Thea Tolentino na unang napanood sa Pyra, Ang Babaeng Apoy pero mas tumatak siya nang gawin siyang kontrabida bilang kakambal ni Barbie Forteza sa The Half Sisters.

“Simula po nang mga kontrabida roles ang gampanan ko, pinakamatagal akong nababakante ng three months,” sabi ni Thea,  “Kaya nagulat po ako na a month lang after ng Hahamakin Ko Ang Lahat, tinawagan na ako para gampanan ang role ni Trish, ang first girlfriend    Alden Richards sa Destined To Be Yours nila ni Maine Mendoza. Nung una, medyo natakot ako, kasi AlDub iyong makakasama ko, pero tinanggap ko dahil isang honor na makatrabaho sila.  Nang tanggapin ko ang role, kinabukasan tinawagan na agad ako para magsimula nang mag-taping.”

Kumusta namang katrabaho sina Alden at Maine?

“Kami po naman ni Alden, nagkasama na noon nang mag-guest siya sa Protégé at naging ka-partner ko siya sa isang test namin sa show.  Nag-guest din siya sa TeenGen, iyong first show ng Protégé sa Sunday shows ng GMA 7.  Wala pa ring ipinagbabago si Alden, bukod sa napakabait pa rin niya, ang husay niyang actor.  Na-amaze ako kay Maine, akala ko tahimik lamang siya, pero napaka-hyper pala niya, naka­kahawa siya, na kailangan ko kasi, hindi ako ganoon ka-hyper na tao.  Ang husay niyang umarte kahit first soap pa lamang pala niya ang Destined To Be Yours.”

Ayaw mag-spoiler si Thea kung magkakabalikan ba sila ni Benjie sa story, at magkakaroon ba sila ng kissing scene?  If ever, ready ba siya sa bashing ng mga fans nina Alden at Maine na ayaw na may ibang katambal ang dalawa?

“Noong ipalabas po iyong throwback namin ni Benjie, tumingin ako sa social media accounts, at wala po naman silang reaction.  Wala pa po akong alam sa story, at hindi rin kami allowed magkuwento, watch na po lamang ninyo, next week, mapapanood na ako.”

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with