^

Pang Movies

Ellen ayaw seryosohin sina John Lloyd at Rico

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Feeling long hair talaga si Ellen Adarna dahil sa hindi matapos-tapos na isyu na iniuugnay sa kanya.

Kamakailan lang kasi ay nabalitang siya ang apple of the eye nina John Lloyd Cruz at Rico Blanco. Ngayon naman ay type raw siya ng tinaguriang World’s Hottest Math teacher na si Pietro Boselli.

Pero nakaalis na ng bansa ang nasabing machong Math teacher pero walang nangyaring pagtatagpo sa dalawa.

Nauna nang sinabi ni Ellen na type raw kasi ni Ellen ang magandang lahi tulad ng foreigner-model na si Boselli. Para raw maging maganda ang magiging produkto nila.

Samantala, pinagtatawanan lang ni Ellen ang mga pumapatol sa kanyang mga pino-post na pictures kasama sina Lloydie at Rico. Maniwala raw at sa hindi ang mga tao ay pawang friend lang niya si Lloydie dahil sa trabaho. Samantalang si Rico ay kaibigan na niya kahit noong wala pa siya sa showbiz. Basta trip lang niyang mag-post at waley siyang care sa mga basher.

Binuking pa ni Ellen na wala raw nangahas na manligaw sa kanya ngayon kahit kung kani-kanino siya inili-link. Pero okay lang kay Ellen dahil hindi pa raw siya ready na pumasok sa isang relasyon.

Gusto raw muna niyang ma-enjoy ang kanyang pagiging single at last year ng kanyang pagiging twenties. Next year kasi ay turning 30 years old na ang sexy model/actress.

vuukle comment

ELLEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with