^

Pang Movies

Bulaklak ni Marian ibebenta na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-extend pala ng ilang araw pa sa Japan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, kasama ang husband niyang si Dingdong Dantes at baby nilang si Maria Letizia.

Sinamantala na nilang nasa Japan sila at kumuha na ng short training si Marian para sa tamang pag-arrange ng bulaklak para sa bago niyang negosyo na Flora Vida by Marian, kung saan ang mga bulaklak niyang personal na ia-arrange ay aabot ng ilang buwan at taon.

Sa Kyoto, Japan nag-aral si Marian under Nicolai Bergmann, one of the top floral artists ng Japan. Hindi naman nagkait si Marian na i-post sa kanyang Instagram story ang kauna-unahang flower arrangement na ginawa niya. For sure pagbalik today nina Marian, gustung-gusto na rin niyang simulan ang kanyang bagong business na sinuportahan ni Dingdong at siya pang kumuha ng permit mula sa Department of Trade & Industry at isinorpresa niya iyon sa asawa last Christmas.

Maine hindi na umuuwi sa bahay!

Nami-miss na raw ng parents niya ang phenomenal star na si Maine Mendoza dahil hindi na umuuwi ang kanilang anak sa Bulacan dahil sa sunud-sunod na work nito, taping ng Destined To Be Yours, TVC and photo shoots ng kanyang mga endorsement at pagri-report sa Eat Bulaga kung wala siyang taping ng kanilang soap ni Alden Richards.

Madalas daw ay nagtatawagan na lang si Maine at kanyang magulang.

Kung dati ay family day ng mga Mendoza ang Sunday, naiba na ito dahil kung minsan ay may TV guesting pa rin si Maine at minsan, TVC shoots and promo ng mga endorsement niya.

Tulad last Sunday, March 19, para makita naman ang anak, first time dinalaw ng mag-asawang Mendoza ang taping ng Eat Bulaga Lenten Special ni Maine at nakita nila kung gaano karami ang mga taong nanonood sa taping.  Natuwa naman si Maine nang sorpresahin siya ng parents niya at nagkaroon sila kahit pasanda-sandaling bonding sa set, na nagkataon pa namang ang director ay si Mike Tuviera, kapag hindi siya ang kinukunan ng eksena.

Nagpasalamat ang mag-asawa sa fans na nanood ng taping na inabot hanggang gabi. Kaya halos walang tulog si Maine nang mag-report na naman kahapon sa taping nila ng Destined To Be Yours sa Tagaytay City.

Maestra 3 in 1 raw ang kuwento

May kurot sa puso ang advocacy film na produced ni Dr. Carl Balita, ang Maestra. Ipina-preview niya ito sa Crossroads 77 kung saan nag-imbita siya ng halos 200 students and educators.

Ayon kay Dr. Carl, hindi ito ang unang special screenings na gagawin niya, magkakaroon ito ng isa pa sa March 23 na mga taga-DepEd naman ang manonood. Dadalhin din daw niya ito sa iba’t ibang lugar sa bansa at mayroon din silang naka-schedule nang screening sa Hong Kong at Australia.

Tukol sa istorya ng tatlong guro ang movie na dinirek ni Lemuel Lorca, ginampanan ito nina Anna Luna as Iah, Angeli Bayani as Genie, isang Aeta na ilang beses kumuha ng board exam for teachers at hindi sumuko hanggang hindi siya nakapasa, at si Gloria Sevilla, as Ma’am Espie na sa kabila ng dapat ay matagal nang nag-retire sa pagtuturo, ay hindi pa rin humihinto. Maganda ang pagkaka-intertwined ng kanilang mga story, sabi nga three story-in one.

May special participation din si Dr. Carl sa movie na showing na sa June.

vuukle comment

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with