^

Pang Movies

Piolo 14 years bago nakabalik sa Regal!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Naging emosyonal si Piolo Pascual kahapon sa presscon ng Northern Lights: A Journey to Love nang magbigay ng magagandang salita sa kanya ang producer niyang si Mother Lily Monteverde of Regal Films.

Ayon sa Regal matriarch, noong una pa man daw na ma-meet niya si Piolo, alam na niyang special ang aktor.

“Not only do I find him to be a brilliant actor, he is a diligent one as well. His eyes speak of sincerity, his heart, filled with compassion for others.

“Right there and then, I thought this guy would go a long way in his career. I was right,” pahayag ni Mother.

It took 14 years para makabalik ulit si Papa P. sa Regal. Una niyang ginawa noon ang I Think I’m In Love with Joyce Jimenez sa naturang production outfit.

“And 14 years after, I wished that he would do another movie with us. Northern Lights: A Journey to Love is an answered prayer.

“Our common love and passion for the art led him to a new journey back to Mother Lily and Regal. From the bottom of my heart, thank you, Papa P!” bahagi pa ng speech ni Mother Lily.

Ikinuwento rin ng lady producer kung gaano ka-gene­rous si Piolo sa last day shooting ng movie.

“On the last shooting of Northern Lights, he shared his talent fee with the staff and crew. Nag-iyakan ang mga taga-production sa sorpresa niya sa kanila. They love him to death now,” kwento ni Mother Lily na talaga namang brought Piolo into more tears.

Ayon naman kay Piolo, sobrang overwhelmed niya nang tawagan siya ni Mother Lily last Sunday habang papunta siya sa ASAP. He recalled na bata pa lang siya ay pinapanood na niya ang mga Regal movies.

“Sabi ko, ‘grabe, ang sa­rap ng pakiramdam’. I was so star strucked by the thought of having Miss Roselle (daughter of Mother Lily), Mother calling me up, sobra po akong na-overwhelm habang papunta ako sa trabaho ko. Nakakataba ng puso to have Mo­ther Lily call you up. Sabi ko, para akong Regal baby,” sey ni Papa P.

Ayon pa sa Ultimate Heartthrob, hindi raw niya akalaing darating siya sa ganitong punto na makakagawa ng pelikula sa Regal tulad ng Nor­thern Lights.

“So I’m just really humbled by this. Thank you Mother, thank you Miss Roselle,” sey ni Papa P.

Samantala, showing na ang Northern Lights: A Journey to Love sa March 29 mula sa direksyon ni Dondon Santos. Kasama ni Papa P si Yen Santos as his leading lady at si Raikko Matteo na gumaganap naman na kanyang anak.

Papa P deadma sa bashers, kino-consider na blessing si Inigo

Sa nasabing presscon pa rin, humanga naman kami kay Papa P na hindi na siya kailangang tanungin pa about his reactions tungkol sa bina-bash ngayong video nila ng anak na si Inigo Pascual kung saan ay makikitang hinalikan siya nito sa lips at saka sila nag-hug.

“Ako na magsasabi, ano ba ‘yung lumabas sa news na ang daming nagba-bash du’n sa video namin ng anak ko. Ako na nag-bring-up, di ba?

“Pero iniisip ko how am I gonna address that issue, ano ban’g sasabihin ko, paano ko ba sasabihin ‘yan kasi, pwede kang mapikon, pwede kang maging defensive.

“Pero you know what, at the end of the day, blessing ‘yung ganu’ng experience na habang nabubuhay ka pa, you get to experience that with your family, with your son for that matter.

“Wala akong masasabi sa mga bashers – it’s a blessing na ginagawa sa akin ng anak ko ‘yun kasi ganu’n ako pinalaki ng mga magulang ko,” pahayag ni Piolo.

Kung tutuusin ay nakakabilib si Inigo na ginagawa niya ‘yun sa Papa niya dahil ang ibang kabataan ay nahihiyang magpakita ng ganu’ng affection sa kanilang magulang.

“Natural ‘yun, eh. Ako, gustung-gusto ko talagang nilalambing ang mga bata kasi pag lumaki na ‘yan, hindi mo na pwedeng lambingin. Pero para sa akin, para gawin ng anak ko ‘yun sa akin, gagawin ko rin sa nanay ko ‘yun, gagawin ko rin sa tatay ko ‘yun, kasi ang sarap na pasiyahin ‘yung pakiramdam ng magulang mo, di ba?” sey pa ni Papa P.      

Nay Lolit at Piolo nalimutan na ang nakaraan

Isa pang magandang kaganapan sa presscon, natuwa naman ang mga reporter sa pag-acknow­ledge ni Papa P. si Nanay Lolit Solis kaya nagsigawan ang mga entertainment press na naroroon.

Matatandaang nagkaroon ng napakalaking issue sa pagitan nila years ago na humantong pa sa demandahan na naayos din naman at nagkapatawaran na rin naman pagkatapos ng ilang panahon.

Nakakatuwa nga dahil sa photo op, talagang nagpa-picture pa si Nay Lolit kay Piolo at masuyo naman siyang niyakap ng aktor.

Tinanong namin si Nay Lolit kung ano ang feeling niya na talagang in-acknowledge pa siya ni Piolo at ayon sa sikat na kolumnista/TV host, siyempre ay na-appreciate naman niya ‘yun.

“Na-touch ako talaga, nakakatuwa na hindi siya nagtatanim ng galit,” sabi ni Nay Lolit.

Actually, noon pa ay nagkita na sila at nagkaayos pero ngayon pa lang talaga sila nagkaroon ng medyo intimate moment matapos ang kontrobersiya.

                                                               

vuukle comment

PIOLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with