^

Pang Movies

Lito kontento na sa pagsasaka sa sariling bundok

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Sa totoo lang, ayaw ni former Sen. Lito Lapid na magbalik showbiz. Kumandidato siya sa pagka-Mayor ng Angeles City after ng last term niya sa senado noong nakaraang eleksyon pero hindi siya pinalad na manalo.

Ganun pa man, masaya raw siya sa pagbabalik-normal ng kanyang pamumuhay dahil sa binalikan niya ang pagsasaka sa kanyang munting paraiso (pero ilang hectares ito na lupain na halos isang barangay na maituturing sa bayan ng Porac, Angeles City).

Hindi pa senador ang action star na ka-level na rin halos ni Fernando Poe, Jr. na nakasama niya sa pelikulang Kalibre 45 ng Merick Films, ay nabili na niya ang naturang lupain na munting paraiso kung kanyang ituring.

Bundok ito na pinaninirahan ng iba’t ibang hayop, natural pati multo kasama sa gubat. Lagi raw itong pinupuntahan ni Lito noong isa pa lang siyang extra sa pelikula, kasama ng kanyang Kuya Rey at Efren na pawang mga stuntmen sa pelikula that time.

Palipasan ng pagod ni Lito ang nasabing bundok na may ilang bahay ang nakatayo, dahil doon nakatira ang ilang pamilya na pangangahoy at pag-uuling ang pinagkakakitaan, pero hindi niya pinapaalis ang mga ito.

Lagi raw nasa isip ni Lito na ‘pag kumita o na­ging bida siya sa pelikula, hihingi siya ng permiso sa gobyerno o sa pamunuuan ng Angeles City na mabakuran ang lupa at magtatanim siya. That time kasi, binibigyan ng karapatan ang mga lehitimong Pampanggenyo na mabakuran ang kaya nilang ariin na lupa ng pamahalaan. At naghihintay ng mahabang panahon ang aktor na makaamot ng ilang sukat ng lupa pero biglang sumipa ang movie career niya dahil sa Kuya Rey niya nang ibenta ang The Jess Lapid Story na ang producer ay si Jesse Chua ng Merick Films, with one condition, ang gaganap sa role ay si Lito Lapid.

First na hindi pumayag si Jesse dahil hindi niya kilala si Lito, and that was the time na tumawag si Jesse sa amin at tinanong ang aking opinyon.

Ang tanong niya, klik ba ang movie kung hindi sikat ang bida?

Well, ‘yun na first time kong nakita si Lito (Manuel), napailing ako dahil payat siya pero may face value.

Say ko naman, baka makalusot dahil magaling sa fight scene, magaling mangabayo, lumundag ng napakataas, magaling tumambling, at sa paraan ng paghawak ng baril, pagsuntok at pagsipa, wala kang masasabi kundi thumbs up! Kaya sabi ko fit body si Lito for action movie. Publicity lang ang kailangan, so there! Ano nangyari? E, ‘di nagklik at sumikat ang payatot na stuntman. At dito na niya nabili ang tila bundok na lupain na dream come true niya. Hawan dito, hawan doon. Ginawang community dahil may mga nakatira na hindi na niya pinaalis. At lahat ng klase ng maitatanim na makakain ay ipinatanim niya.

Ang isang parte ng farm ay ginawang herbal garden, all kinds of herbal plants na makagagamot ang nakatanim.

Sa ngayon, kuntento na ang ex-politician/actor sa buhay magsasaka. If ever kung may gusto siyang mag-showbiz, ito ang kanyang guwapong mga anak na si Mark, ang tourism officer ng Angeles City at si Meynard na isa ring government official sa kanilang lalawigan sa Pampanga. Pero mas malakas pa rin ang kaway ng showbiz kay Lito, kaya wag kayong magugulat kapag nakita niyo si Lito Lapid sa series na Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Sunshine mas gusto ng tahimik na buhay

Mas gusto ni Sunshine Dizon ang tahimik na family life, kung kaya hindi na yata niya itutuloy ang annulment case niya sa asawang si Timothy Tan.

At mas gusto niya na may tatay na makakasama ang kanyang dalawang anak. Kaya naman sa serye ng kanyang programang Ika-6 Na Utos sa GMA-7 hinayaan na niyang si Ryza Cenon na lang ang ma­ging kabit ng kanyang asawa na si Gabby Concepcion. 

Young actor mahilig daw lumafang ng keps

How true na mahilig lumafang (kumain) ng buli (keps) ang young actor kaya kung may kaeksena siyang girl sa TV show kung saan one of those siya, ang mata niya ay nakapokus sa buli ng babae, bata ka pa, bad ‘yan!

Baka masira ang kanyang showbiz career. Yak! Eeww!

vuukle comment

LITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with