^

Pang Movies

Bangko natakot kay Janella, isinauli agad ang nawalang P100k

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines - Agad-agad namang nakabalik kay Janella Salvador ang sinasabing nawalang halaga sa kanyang bank account sa kanyang debit card.

Ang sabi ng nanay niyang si Janine Desiderio, inaayos na raw ng bangko.

Sa unang emote ng nanay ni Janella na da­ting singer, nawalan ng P100,000 ang sa­vings ng anak na base sa nakita nilang statement ay ginamit sa Japan. Eh, nu’ng panahon daw na ‘yun eh wala naman sila sa Japan.

Pero pinakalma niya ang mga nagre-react, dahil inayos na raw ng bangko.

Ilawod at darkroom nasa TV na agad

Palabas na agad sa TV ang dalawang horror film na kapapalabas pa lang sa mga sinehan. Ito ay ang Ilawod starring Ian Veneracion and Iza Calzado.

Ganundin ang Darkroom starring Ella Cruz and Bret Jackson. Hindi nga lang libre. Kaila­ngan n’yong magbayad sa TV Plus.

Pero ganun pa man, mas mura pa rin ito kung tutuusin kesa nanood sila sa sinehan.

 

vuukle comment

JANELLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with