^

Pang Movies

MTRCB may exam bago mamigay ng card

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Sa true lang, walang palakasan o favoritism ang board of censors or ang MTRCB (The Movie and Television Review and Classification Board) sa movie press kung sino ang kanilang bibigyan ng deputy card.

Kasi hindi raw lahat ng nag-a-apply na member of the entertainment press ay nabibigyan. Marami ang sumasama ang loob.

E, ang tanong, nakasunod ba kayo sa requirements nila or nasagot niyo ba ng tama ang mga katanungan nila? Walang kasalanan ang bagong chairman ng MTRCB na si Ms. Rachelle Arenas. E, kasi ako hindi nakapasa sa mga questions nila. So waley! Pero ok lang!

Willie milyon ang budget sa araw-araw

Milyones pala ang budget ni Willie Revillame everyday sa kanyang programa na Wowowin.

Bukod pa rito ang inihahatag niya sa mga grupo-grupo na galing sa iba’t ibang dako ng bansa, mga nag-e-emote, binibigyan ng pera at jacket.

Wala lang kay Willie kahit magloka-lokahan pa sila at tipong halos maglulupasay na ‘yung iba, basta ang mahalaga kay Willie ay ang makatulong sa mga taong nangangailangan.

Take note, alam ni Willie at nadarama niya kung siya ay niloloko o hindi. Masaya si Willie sa kanyang ginagawa, lalo na kung para sa mga lolo at lola.

Young actress takot sa dentista!

Hanggang ngayon, ngisi to death pa rin ang isang young actress na parang nanggigigil tumawa.

Hindi kasi niya maibuka ang bibig niya dahil takot siyang makita ang magkakadikit niyang ngipin na parang nagngangalit.

Pero ‘di naman siya galit kasi nakatawa nga e, nakakainis lang tingnan at sobrang tumawa e, ngisi to death nga!

Malditang actress kinarma ang career

Heto pa isa, si supladang actress ay nakakarma na yata.

May ilang hindi magandang dumarating sa buhay niya at hindi na rin siya kabisihan dahil madalang na ang project niya sa TV man o pelikula.

‘Di tulad dati na nagkakandaugaga siya sa rami ng raket sa TV or out of town shows. Dasal ko na huwag naman lubus-lubusin ang nangyayari sa kanya. We pray!

Kamay ni Hesus parang abot na ang langit

Ask lang kay Rev. Father Joey Faller, ang Pa­rish Priest ng Ang Kamay Ni Hesus matatagpuan sa Brgy. Tinamnan Lucban, Quezon, kung kailan ang journey to this Holy Land ng entertainment press na yearly basta Semana Santa ay nagpupunta sa nasabing bahay ni Hesus.

Diyos ko, napakagandang lugar sa Pilipinas. Isa na rin itong tourist spot na talagang dinarayo. Diyan ka makakakita ng mga rebulto ng iba’t ibang santo at santa na mas malaki pa sa tao.

Sa itaas ng bundok ito nakatayo na almost 1,000 na baitang ang aakyatin para marating mo ang Holy Risen na si Jesus Christ. Nandiyan din ang last supper na lahat ng mga disipulo ay kasalo ni Hesus. Sa itaas ng bundok ay matatanaw mo ang mga karatig lungsod sa paligid.

Ang pinakamaganda sa lahat kapag nasa itaas ka ay mapi-feel mo na parang abot kamay mo ang langit at makakausap mo ang Diyos. Ngayong araw ng Cuaresma, tayo po ay magtika at magnilay-nilay sa ating mga kasalanan.

Ito ang tamang panahon para mag-ayuno at mahugasan ang ating mga na kasalanan.  

 

 

vuukle comment

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with