^

Pang Movies

Idini-display na boobs ni Kim, fake daw

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Isa rin sa pinakamabenta sa social media ay ang Kapuso sexy star na si Kim Domingo.

Kahapon kasi, sunud-sunod ang sexy photos na ini-upload niya sa kanyang Instagram account.

Merong na-turn on pero maraming nag-akusa na fake ang boobsie niya.

Kaya naman hindi nakatiis si Kim. Pinatulan niya talaga. “Kung ayaw nyong Makita mga post ko edi iblock nyo ko. Wag masyado dibdibin mga pinopost ko. Wag paapekto sa buhay ng ibang tao. Love you”

Bukod sa boobs, sinasabi ring peke ang ilong ni Kim.

Anne lumipad para makaiwas sa traffic!

Puma-private chopper din pala si Anne Curtis pag sobrang hectic ng schedule niya.

Nung isang araw ay kinailangan niyang umiwas sa traffic papunta sa isang event para sa endorsement niya. Kaya ayun after ng Tawag ng Tanghalan sa Showtime, lite­ral na lumipad na siya.

Hindi ito ang unang beses na nag-helicopter si Anne para lang makaabot sa commitment.

Si Alden Richards nung sobrang kabisihan ang isa pang nagcho-chopper sa mga lakaran.

Si Gretchen Barretto ay gumagamit ng chopper sa ibang lakaran nila ng kanyang mga kaibigan.

vuukle comment

KIM DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with