^

Pang Movies

After 2 years na nakaratay, Amalia Fuentes papagaling na!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Good news, Salve A., patungo na raw sa paggaling si Amalia Fuentes, ayon sa kapatid niyang si Cheng Muhlach.

Sa kanyang bahay sa Dasmariñas Village in Makati diumano ito nagapapagaling.

And did we hear it right na ang kanyang apong lalaki sa late daughter na si Liezl Martinez ang tumitingin sa kanya?

Matatandaang nag-suffer sa stoke si Amalia two years ago habang ito ay nagbabakasyon sa Korea.

Komedyanang si matutina, nangangailangan ng tulong

Samantala, tama ba ang rinig namin na patuloy pa ring nangangailangan ng tulong ang may sakit pa hanggang ngayon na komedyanang si Matutina?

Naalala tuloy namin, Salve A., si Dolphy. Kung buhay pa ito ay tiyak na siya ang sasagot sa mga pangangailangan ni Matutina.

Madalas isama ng Comedy King si Matutina sa mga proyekto niya noong nabubuhay pa ito.

Ria mabibigat na role na ang sinasabakan

Wow, take a bow to Ria Atayde, ang panganay sa dalawang anak nina Sylvia Sanchez at non-showbiz husband niyang si Art Atayde.

Aba, sumasabak na siya sa magaganda at challenging roles tulad na lang ng kanyang ginampanan sa episode ng Ipaglaban Mo last Saturday.

Agaw-pansin din ang kanyang papel sa My Dear Heart na gabi-gabi (weekdays) napapanood sa ABS-CBN.

Ang said series ay tinatampukan nina Zanjoe Marudo, Bela  Padilla, Nayomi Ramos, Joey Marquez at Coney Reyes.

Wacky Kiray ginamit ang kabaklaan para maiahon ang pamilya sa kadukhaan

Agaw-pansin sa bagong challenging talent reality show na I Can Do That ang baguhang komedyante na si Wacky Kiray, na sa edad na tatlong taong gulang ay alam na, na siya ay isang beki.

Pero habang siya ay tumatanda ay tinago niya ang pagiging bakla lalo pa nga at kapag nasa bahay siya.

Siya ang panganay sa magkakapatid kaya naman he was named after ng kanyang macho at istriktong ama, si Ricardo Balaroso, Sr.

Mahirap ang kanilang pamilya, ani Wacky Kiray. Kahit pa kumakayod sa labada na magkatulong ang kanyang ama at ina. May pagkakataon daw na dalawang beses lang sila kung makakain sa isang araw. Minsan lang daw sila makakain ng kanin na may ulam.

Obviously, ito raw ang dahilan kung bakit sa murang edad ay nag-decide siya na ‘gamitin’ ang kanyang pagiging bakla para makatulong sa kanyang pamilya.

Ito’y kahit pa alam niyang kapag natuklasan ng kanyang ama, isusumpa siya nito.

Nauna raw siyang sumali sa mga beauty contest na pang-gays, kung saan nahasa ang kanyang pagiging comedian.

After nito ay nagtrabaho siya sa mga comedy bar.

Sa Punchline raw nagtagpo ang landas nila ni Vice Ganda, na obviously ay nabaitan at nagalingan daw siguro sa kanya, kaya, nangakong tutulungan siya na maka-penetrate sa television.

For a while, pasulpot-sulpot lang daw siya sa programang pang-Sunday ni Vice Ganda, ang Gandang Gabi Vice na napapanood sa ABS-CBN. Hanggang may ilan na nakapansin at natatawa na sa kanya.

Kabilang na ang kanyang ama, na nabigla siya nang tumawag ito sa kanya, congratulating him for whatever little success daw na kanyang natamo.

Nagpasalamat din daw ito sa magandang buhay na ibinibigay niya sa kanilang pamilya. Naiyak daw siya sa mga sinabi ng ama.

Ngayon ay hindi na tumatanggap ng labada ang kanyang ama’t ina. Sa halip, kabilang ang mga ito sa nagpapalaki ng maliit na restaurant na kanyang naipundar sa Marikina, na ang specialty ay Bagnet.

Sa show na I Can Do That, makakasama niya sina Pokwang, Sue Ramirez, Daniel Matsunaga Cristine Reyes, Arci Muñoz, Gab Valenciano at JC Santos nilang I Candidates.

Wala raw siyang ‘di kakayanin para sa kanyang pamilya.

vuukle comment

AMALIA FUENTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with