^

Pang Movies

Steve Harvey biglang naalala sa Oscars

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Steve Harvey biglang naalala sa Oscars

Nagulantang ang buong mundo sa malaking pagkakamali ng announcement ng Best Picture winner sa katatapos na Oscar Awards. Unang inanunsyo na ang movie na La La Land ang winner pero ang totoo, ang Moonlight ang nagwagi.

Very-Miss Universe 2015 ang nangyari, huh! At ang bagong Steve Harvey ngayon ay ang bete­ranong Hollywood actor si Warren Beatty!

Umeksena naman ang organizers ng Miss Universe sa tweet nito.

“Have your people call our people – we know what to do. #Oscars #Miss Universe.”

Mikael hindi na tinatago si Megan!

Tapos na ang tago days nina Mikael Daez at Megan Young. Malaya na nilang naipahahatid ang mensahe nila sa isa’t isa sa kanilang Instagram account.

Sa post ni Mikael sa IG niya nu’ng isang araw, bago ang birthday ng girlfriend na si Megan, caption niya sa picture nilang dalawa na parang nagbibiruan, “Because I am always the last to remember, I will be the first this year! HAPPY BIRTHDAAAAAAY @meganbata. Don’t forget to greet her and remind her what a hottie she is.”

Kapwa consenting adults na naman sina Megan at Mikael kaya walang dahilan upang ilihim pa nila ang kanilang relasyon, huh!

Aktres na mukhang mabait, pinangingilagan sa kamalditahan!

Iniiwasan pa rin ng ilang staff and crew na makatrabaho ang isang aktres. Mukha namang mabait ang aktres pero super maldita pala siya sa mga katrabaho.

Ayon sa source namin, hindi pa rin daw nagbabago ng ugali ang aktres. Marami pa ring demands, kundisyon at arte sa project na inaalok, huh! Hindi pa rin nawawala ‘yung ere na malaki na siyang artista.

Kaya naman ang staff and crew, kapag dumarating sa set ang aktres, kahit hindi mambati eh, dedma lang sila. Pinupulutan na lang nila ang aktres sa chikahan lalo na ang mga diperensya nito sa sarili, huh!

vuukle comment

STEVE HARVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with