^

Pang Movies

Kailangan na uling magpa-rehab; Male TV host sirang-sira na naman sa kaka-toma!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Problema na naman daw ng male TV host na ito ang kanyang pagiging alcoholic.

Tila bumalik na naman daw ang hindi magandang bisyo ng male TV host na ito sa paglaklak ng alak. Dahil sa alak ay napahamak na noon ang kanyang trabaho.

Kuwento ng aming source, may maagang call time ang male TV host para sa isang corporate event na magsimula ng lunch time. Dapat ay alas-otso ng umaga ay nasa naturang hotel na siya na nasa Quezon City.

Pero alas-diyes na ay wala pa ang male TV host. Nalaman nila na tulog pa raw ito dahil nakipaglasingan noong isang gabi sa mga kaibigan niya. Tila nakalimutan nito ang kanyang commitment sa araw na iyon.

Agad-agad daw nagtawag ng ibang kapalit na mag-host ang namumuno ng event. Mabuti na lang at available ang isang TV host, bagama’t ‘di kasing laki ang pangalan nito, wala silang choice. Mabuti na lang at malapit-lapit sa naturang hotel ang TV host at ipinasundo na lang nila.

Pasalamat ang event head na hindi pa sila nag-downpayment sa male TV host na hindi dumating. Kung nangyari iyon, tiyak na madedemanda siya dahil sa pagiging unprofessional niya.

Baka kailangan na ulit magpa-rehab ng male TV host dahil nalululong na naman ito sa alak.

Docu-film ni Hilary Clinton at Batman v Superman nanalo sa pinakapangit na pelikula!

Ang docu-film ni Hilary Clinton na Hilary’s America: The Secret History of the Democratic Party at ang Batman v Superman: Dawn of Justice ang big winners sa 37th Annual Golden Raspberry Award or the Razzies.

Ang Razzies ay nagbibigay ng parangal sa mga worst films at worst performances ng nagdaang taon.

Napalunan ng Hilary’s Amercia ang apat na Razzie Awards: Worst Picture, Worst Director (Dinesh D’Souza), Worst Actor (D’Souza) and Worst Actress (Rebekah Turner).

Ang Batman v Superman ay nakakuha ng awards for Worst Onscreen Combo (Ben Affleck and Henry Cavill), Worst Supporting Actor (Jesse Eisenberg), Worst Remake/Ripoff or Sequel and Worst Screenplay.

Si Kristen Wiig naman ang nanalong Worst Supporting Actress for Zoolander 2.

Nakuha naman ni Mel Gibson ang Razzie Redeemer Award for the film Hacksaw Ridge.

Girlie updated sa love life ng mga dating sang’gre

Kahit na walong taong nawala sa showbiz ang aktres na si Girlie Sevilla, hindi raw nawala ang communication niya sa mga naging kaibigan sa showbiz, lalo na ang mga nakatrabaho niya sa telefantasya na Encantadia.

Updated ang dating aktres sa mga naging buhay ng mga co-star niya sa Encantadia na sina Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri, at Sunshine Dizon.

Si Girlie kasi ang orihinal na gumanap na Gurna sa naturang telefantasya noong 2005.

“Close ako sa apat na Sang’gre. Kasi sila ang mga madalas kong makaeksena noon sa Encantadia.

“Natuwa ako noong malaman kong ikinasal sina Karylle at Diana. Tapos dalawa na ang anak ni Diana.

“Nakita ko naman sa social media accounts ni Iza ang boyfriend niya. Ang guwapo, ‘di ba? Sana ‘yun na ang guy for Iza.

“Si Sunshine naman, siya ang pinakamalapit sa akin noon. Nalungkot ako noong malaman kong nagkaroon sila ng problema ng husband niya. Pero okey naman na sila ngayon, ‘di ba?

“Importante ang forgiveness sa isang relasyon. Napagdaanan ko na ang ganyan. Gawin lang nilang sentro ng relationship nila ay si God,” ngiti pa niya.

Inamin ni Girlie na minsan ay nami-miss niya ang umarte sa harap ng kamera.

“Sometimes sumasagi rin sa isipan ko ang showbiz. Open pa rin naman ako to act again. Kung may offer to act again, why not? Basta hindi siya maging hadlang sa trabaho ko ngayon.”

Nasa corporate world na ngayon si Girlie at branch manager siya ng Manila branch ng Blugre Coffee.

“I am very blessed to be managing the very first Blugre Coffee branch here in Manila, Malacanang, under Kapandesal Cooperative headed by Chairman Mel Tadeo & CEO Ms. Mary Ann Gonzales.

“I thank them all for believing and seeing me, not only as an actress or showbiz personality, but as someone who could make a difference and have the purest heart,” pagtatapos pa ni Girlie.

vuukle comment

TV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with