^

Pang Movies

Alex tinatamad nang magtrabaho, BF can afford nang pakasal at magkapamilya!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Totoo kaya, Salve A., that the real reason why obviously tinatamad si Alex Gonzaga na maging busy with work ay dahil sobrang in love siya sa kanyang boyfriend na si Mikee Morada?

Halata kung gaano katindi ang feeling nila sa isa’t isa tuwing lumalabas sila on TV bilang guest contestants tulad sa Minute To Win It, The Last Duo Standing. Sana nga, mapanalunan nila ang P1-M premyo ng programa.

Is marriage kaya in the offing na for the duo?

Well, nasa right age na si Alex. Si Mikee naman, balitang can very well afford na magka-pamilya. May sarili siyang business.

Sofia ayaw iladlad ang pinagdaraanan

Ayaw pang bigyan ng label ni Sofia Andres ang kung anumang relas­yon mayroon sila ni Diego Loyzaga. Bagama’t ‘di rin niya idini-deny na importante sa buhay niya sa kasalukuyan si Diego.

Nadarama raw niya ang problemang dinadala ni Diego. At open siya na matulungan ito sa kahit ano’ng paraang magagawa niya.

Asked during the presscon for her soon-to-be released flick, Pwera Usog, for Regal Entertainment, Inc. if she would also air sa social media ang kanyang hinanakit, halimbawa, sa kanyang ama.

“Ayaw kong mag-comment tungkol diyan. Iba-iba naman tayo sa pag-solve ng ating problem.

“Basta ipagdarasal ko kung ano ang dapat kong gawin, if magka-problema man ako,” pahayag ni Sofia.

Sofia and Diego will start taping soon for their new series together, Pusong Ligaw.

May special role rin sila ni Diego in the currently showing blockbuster movie, My Ex and Whys, na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Sobe­rano.

Vice Ganda feeling bagets 

Wala raw kinalaman ang pag-adapt niya ng bagong hairdo sa kasalukuyang stat ng kanyang puso, ayon kay Vice Ganda.

In his last ultra successful concert sa Araneta Coliseum last Valentine’s Day, nag-insinuate si Vice Ganda that he and his cager boyfriend, na diumano’y ang PBA player na si Terrence Romeo, well, nang mag-monologue siya, are no more.

Sa totoo lang, bagay kay Vice ang bago niyang hairstyle. As he says, masaya at bagets ang kanyang feeling ngayon.

Robi at Gretchen nagkabalikan na?!

In the case naman of Robi Domingo, he, too, insinuated when he guested in Magandang Buhay na programang pang-umaga ng ABS-CBN, hosted by Karla Estrada, Jolina Magdangal, and Melai Cantiveros, na solved na kung anumang problema nagkaroon sila ng kanyang girlfriend, fellow TV host and sports enthu­siast, Gretchen Ho.

Nangangahulugan ba itong Gretchen will alter her new hairdo and go back to the “old one”?

Sa totoo lang, I like Gretchen sa kanyang dating hairstyle.

Billy at Coleen kinuhang ninang si Karla

Sweet naman of Billy Crawford and Coleen Garcia to have requested Karla Estrada, sa kanyang programang Magandang Buhay to be one of their ninang sa kanilang kasal next year.

The engaged couple guested in Magandang Buhay last Thursday. Nag-propose si Billy kay Coleen last December 22.

Bago na-engaged ay magdyowa sila for three years.

vuukle comment

MIKEE MORADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with