^

Pang Movies

Kylie panay ang paramdam sa Encantadia!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Madalas palang mag-tsikahan ang Encantadia actors na sina Mikee Quintos at Kylie Padilla.

Sa panayam kay Mikee ay ibinalita nga niyang hindi napuputol ang pakikipag-usap niya kay Kylie. Ayon pa sa kanya, noong nagte-taping pa sila ni Kylie ay matindi ang pag-aalala niya sa co-actor dahil kahit alam na niyang buntis ito ay ganado pa rin sa action scenes.

Ang mga kasama pa nila ang sobrang mag-alala sa kalagayan ni Kylie pero mismong ang aktres ay tila walang idinadaing. Ramdam daw ni Mikee ang pagka-miss ni Kylie sa mga kapwa niya Encantadia stars kaya sinisiguro niyang updated pa rin ang kaibigan.

Samantala, excited naman si Mikee sa magiging baby ni Kylie kaya siya na ang nag-offer na mag-ayos ng baby shower nito. “Sabi ko nga magse-set ako ng baby shower niya sa cast ng Encantadia, tapos ayun, kinilig siya,” pagbabalita pa ng Kapuso actress.

Angel at Marian pang-goodvibes ang pagsasama

Wala talagang papantay sa aura ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Sa pagdiriwang ng anibersaryo ng isang glossy magazine ay itinampok ang regal beauty ni Marian. Napakaaliwalas at fresh ng itsura ni Marian na talagang blooming sa kanyang simple and subtle makeup. Pero hindi lang ito ang nagpaingay sa big reveal ng anniversary cover na ito dahil kasama niya sa nasabing cover si Angel Locsin. Matatandaang parehong gumanap na Darna ang dalawa sa Kapuso Network, kaya naman maraming fans ng iconic Pinay superhero ang natuwa dahil sa unang pagkakataon ay pinagsama ang dalawang respetadong aktres sa isang magazine cover.

Nakaka-good vibes din ang mensahe ng dalawang aktres sa isa’t isa. Kaya ayaw pakawalan ng mga endorsers si Marian kasama na ang Biofitea dahil sa kaakit-akit na pangangatawan kahit may anak na ito. Sabagay, maski si Dingdong Dantes ay maganda rin ng katawan at makisig din. 

vuukle comment

KYLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with