^

Pang Movies

High profile lawyer na misis ni George Clooney, kambal ang ipinagbubuntis

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Buntis na ang misis ng Hollywood actor na si George Clooney na si Amal Clooney. At ayon sa isang family friend ng couple, kambal ang pinagbubuntis nito.

“She’s pregnant with twins,” ayon pa sa family friend na hindi nagbigay ng anumang detalye pa tungkol sa gender ng kambal o kung kelan ang due date ni Amal.

Kinasal sila George (55) at Amal (39) noong 2014 sa Venice, Italy.

Isang international human rights lawyer ang Lebanese-British na si Amal na ang mga high profile clients niya ay kinabibilangan nila former Ukrainian prime minister Yulia Tymoshenko and Australian Wikileaks founder Julian Assange. Siya rin ang nasa likod ng Britain’s possible restitution of the Elgin Marbles to Greece.

Naging defense lawyer din si Amal ng Al-Jazeera reporter Mohamed Fahmy pagkatapos itong makulong sa Egypt and was part of the legal team for former Maldives president Mohamed Nasheed following his toppling in 2012.

Si George na sumikat dahil sa hit U.S. medical drama series na E.R. ay unang kinasal sa aktres na si Talia Balsam noong 1989. Nag-divorce sila noong 1993.

Arianne pumiyok sa foursome date nila ni Rocco!

Super-tanggi ang Kapuso comedienne at host na si Arianne Bautista tungkol sa kumalat na balita na naging sila ng Encantadia actor na si Rocco Nacino.

May mga nagpapatunay kasi na naging silang dalawa ni Rocco pero hindi raw ito tumagal dahil may mga bagay daw silang hindi napagkasunduan.

“Friends lang kami ni Rocco. We have the same group of friends kasi.,” ngiti pa ni Arianne.

Paano naman niya ma-explain ang isang Instagram photo na pinost ni Rocco na nasa Cebu sila kasama ang magkasintahang sina Mark Herras at Winwyn Marquez. Para raw silang nag-foursome date sa Cebu.

“Ah kasi that time, I was also in Cebu.

“Noong malaman nila Mark, Wyn at Rocco na I was there, nagkita-kita kami.

“Foursome date talaga? Wala iyon. Aksidente lang na nagkita kami at sumama na ako sa pagpasyal nila,” paliwanag pa niya.

Inamin ni Arianne noong nakaraang taon na nakipaghiwalay siya sa kanyang Chinese boyfriend

Kasalukuyang napapanood si Arianne sa teleserye na Ika-6 Na Utos.

Kiko nakatanggap ng best actor award

Pagkatapos na magbida sa teleserye na Sinungaling Mong Puso, sumabak sa isang matinding acting workshop si Kiko Estrada para sa gagawin niyang bagong telefantasya na Mulawin vs. Ravena.

Nakasama ni Kiko sa workshop ay sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Derrick Monasterio at Bea Binene.

Natutuwa si Kiko dahil naging part ng cast ang kanyang ama na si Gary Estrada sa original na Mulawin bilang si Rasmus noong 2004.  Ngayon ay siya naman ang nasa cast at gaganap sa role na Rasmus.

Noong nakaraang January 30, natupad ang dream ni Kiko na manalo ng best actor award para sa pagganap niya bilang si Jason sa Sinungaling Mong Puso.

Ginawaran siya ng World Class Excellence Japan Awards ng Outstanding New Best Actor.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Kiko ang kanyang award sa buong cast and crew ng Sinungaling Mong Puso.

vuukle comment

GEORGE CLOONEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with