^

Pang Movies

Vin at pamilya, wala raw malay na nakabuntis si Aljur

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ikinagulat pala ni Vin Abrenica, nakababatang kapatid ni Aljur Abrenica ang balitang three months preggy na raw ang girlfriend ng kuya niya na si Kylie Padilla

Matagal na raw kasing ‘di sila nagkakausap ni Aljur.  Hindi raw nila nakasama si Aljur sa family gathering nila noong Christmas at New Year, kahit noong birthday ng daddy nila, hindi rin daw dumating ang kuya niya. Inisip na raw lamang nilang baka may pinagdaraanan dahil hindi raw ito lumiliban kung may okasyon sa pamilya. Wala rin daw ka­sing sinasabi sa kanila si Aljur kaya wala silang alam kung may problema ito.

Sa ngayon kasi, puno rin talaga ang schedule ni Vin dahil busy siya sa taping ng Wildflower with Maja Salvador for ABS-CBN at nagsu-shooting din siya ng movie under Toto Natividad, ang Corpus Delicti.

Busy rin siyang nagpu-promote ng first movie niyang gumaganap siya ng dual role, ang Moonlight Over Baler. Sa direksyon ni Gil Portes, pre-Valentine presentation ito ng T-Rex Entertainment Productions sa February 8 at kasama rin ni Vin si Sophie Albert ang gumanap na batang Fidela sa story na sinulat ni Palanca winner Enrique “Eric” Ramos.

Ita-try na rin ni Vin na pasukin ang concert scene at may concert siya sa Museum Museum sa February 25, titled Pare O with some special guests.

May message lamang si Vin sa Kuya Aljur niya: “Basta alam naman niyang mahal namin siya at nandito lamang ang pamilya niya para sa kanya. We trust Kuya na kaya niya iyan. Lagi namin siyang ipinagdarasal. At ako nami-miss ko na siya talaga, dahil matagal na kaming hindi nakapag-uusap.”

Keempee at Manilyn naghaharutan pa rin

Hindi naman lihim ang naging relasyon noong araw nina Keempee de Leon at Manilyn Reynes, time pa ng That’s Entertainment ng yumaong si Kuya Germs. Kahit hindi sila ang nagkatuluyan naging mabuti naman silang magkaibigan at hanggang sa ngayon, kung may project silang nagkakasama, comfortable silang magkatrabaho at kayang-kaya nilang magbiruan sa set. Kaya iyong mga fans nila na nariyan pa rin hanggang ngayon, masaya silang mapanood ang dalawa bilang mag-asawa sa Meant To Be  kinikilig sila sa away-bati sa simula ng story, pero ngayon, masaya na ang mga anak nilang sina Billie (Barbie Forteza) at Bats (Sef Cadayona) dahil magkabati na sila at kasama na nila ni Mamay (Manilyn) si Pawie (Keempee) sa kanilang bahay.

Napapanood ang Meant To Be gabi-gabi pagkatapos ng Alyas Robin Hood.

vuukle comment

VIN ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with