^

Pang Movies

Bela hoping sa balikan nila ng producer na matagal karelasyon

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Bela hoping sa balikan nila ng producer na matagal karelasyon
Bela Padilla

Kahit na nga bantulot pang magsalita, inamin din naman ni Bela Padilla na nag-split na nga sila ng kanyang boyfriend na si Neil Arce. Pero nakiusap si Bela na sana naman daw, walang negative na lumabas tungkol doon, lalo na kung patungkol kay Neil.

Hindi niya sinabi kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan, pero sinabi niyang siya ang may gustong mapag-usapan pa rin nila ang kanilang relasyon.

Kahit naman daw nag-split, magkaibigan pa rin silang dalawa, in fact may ginagawa pa nga siyang isang pelikula na si Neil ang producer. Kung nata­tandaan ninyo, iyong Camp Sawi kung saan na­ging main lead si Bela ay produced din ng kanyang boyfriend.

Kahit naman daw nag-split sila ay nananatili pa rin silang magkaibigan. Hindi nga lang daw nila mapag-usapan agad ang kanilang relasyon dahil tatlong araw ang taping niya roon sa My Dear Heart, tapos tatlong araw din sa isang linggo ang shooting niya ng isa pang ginagawang pelikula. Palagay namin isa iyon sa mga bagay na nakaapekto talaga sa kanilang relasyon. Masyado siyang busy at hindi nga siguro nagkakaroon ng sapat na panahon para sa relasyon nila.

Pero sa tono ng pananalita ni Bela, parang sinasabi niyang hindi naman talaga split ang nangyari kundi isang cooling off period lamang, dahil umaasa pa siyang kung magkakausap lamang sila ay maisasalba pa nila ang kanilang relasyon.

Inamin naman niya na mahal pa rin nila ang isa’t isa.

Kung minsan, iyan naman talaga ang problema ng mga artista. Sobra ang demands ng kanilang career. Sa propesyong iyan, naiiwan talaga ang mga bagay na personal. Unahin mo ang mga personal na bagay at sasabihan ka na agad na unprofessional ka. Sobra ang requirement noong professionalism na nakikilala nila sa showbiz. Kadalasan iyan ang dahilan kung bakit nasisira maging ang pamilya.

Angel bumata ang hitsura sa short hair!

Oo nga, mas maganda pa ngayon si Angel Locsin nang paikliin niya ang kanyang buhok, o baka naman parang nagsawa na rin tayo noong nakikita nating mahaba ang buhok niya?

Iyon nga lang, bawas siyempre ang chances niyang makapag-endorse ng mga hair product kagaya ng shampoo dahil hindi na mahaba ang kanyang buhok. May nagsasabi pa ngang nang magpaikli siya ng buhok, mukhang ibig sabihin din ay hindi na niya gagawin iyong Darna, dahil ang character doon ay nangangailangan ng mahabang buhok. Pero hindi ba’t madali lang naman maglagay ng wig?

Iyang pagpapagupit ni Angel ng maikling buhok ay kasunod ng kumalat na tsismis na nasira ang kanyang buhok dahil sa ginawang treatment sa isang hair clinic.

Sa halip na mapaganda, nasira pa ang buhok niya at naglalagas daw. Pero walang confirmation iyon ha, at saka tsismis lang naman iyon sa social media kaya hindi mo rin naman basta-basta mapaniniwalaan.

Anyway, may nagmukha namang cute si Angel, at mas nagmukhang bata sa kanyang maikling buhok kaya mas ok pa nga.

Dalawang aktres buntis talaga!

“Hindi lang isa, dalawa iyong buntis na female stars”, sabi ng isa naming source. Ang narinig namin ay isa lang iyong buntis talaga, dahil tukoy na nga eh, at mukhang naghihintay lang naman sila ng tamang pagkakataon para aminin na siya ay buntis.

Hindi naman nagde-deny eh, hindi pa nga lang inaamin.

Pero iginigiit talaga ng aming source na hindi isa kundi dalawa ang buntis.

 

 

vuukle comment

BELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with