^

Pang Movies

Biglang sikat na aktor pumatol sa beking director!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pulutan na naman ng mga beki sa showbiz ang pagsulpot ng isang indie film na pinagbibidahan ng biglang sulpot na aktor sa mainstream showbiz. Wala kasing kabala-balita sa indie movie na ito pero meron palang ganitong project na natapos ang baguhang aktor.

Lalong nadagdagan ang hinala ng mga beki nang malaman nila kung sino ang director ng indie movie ng aktor. ‘Yung director na natsitsismis na dyowa ng aktor, huh!

Batid ng ilang beki ang director ang nagrekomenda sa aktor upang maging bahagi ng isang primetime series. Hindi nga lang naging masyadong maganda ang pagtanggap sa aktor dahil umagaw siya ng pansin sa mga bida, huh!

At least, hindi nganga sa projects ang aktor dahil hindi siya pinababayaan ng director!

Ina ni Baron namaalam na!

Hindi biro ang post ni Baron Geisler sa kanyang Facebook account kahapon sa pagkamatay ng ina niyang si Gracia Geisler.

Ang inang may sakit ang malaking dahilan ng pagsisikap ni Baron sa kanyang trabaho. Hindi nga lang naging maganda ang pangyayari sa huli niyang ginawang indie film ni Arlyn dela Cruz dahil inireklamo siya ng co-star na si Ping Medina sa grupo ng managers na pumabor sa huli.

Ngayon, jobless na, namatay pa ang pinakamamahal na ina ni Baron. Kung may konsolasyon man sa puso ng aktor, wala nang mararamdamang sakit ang ina ngayong yumao na.

Sa post ni Baron, nakaburol ang labi ng ina sa St. Louie Memorial Chapel and Services sa Mabiga, Mabalacat, Pampanga.

Sa ibang posts ng aktor, pawang worship songs ang kanyang pinakikinggan at mga verses sa Bibliya.

Ria mahihirapang ‘wag mag-bf ng taga-showbiz

Walang boyfriend si Ria Atayde kahit na nga maganda at matalino siya. Pinasok na rin niya ang pag-arte kahit na nga tutol nu’ng una ang kuya niyang si Arjo Atayde.

“Heto na muna ang baby (acting). Wala munang love-love! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Ria sa thanksgiving dinner nilang mag-ina sa entertainment editors at ilang press.

Makakasama ni Ria si Zanjoe Marudo sa bagong series niyang My Dear Heart. Bitin nga lang siya sa aktor dahil wala pa silang masyadong eksena.

“Gusto kong ma-explore ‘yon kasi ang galing ni Zanjoe. Pero gusto ko ring makatrabaho si Joel Torre, Bembol Roco, Eddie Garcia, Gloria Romero,” saad niya.

Sa batang aktor, gusto rin niyang makatrabaho sina Coco Martin, Piolo Pascual at higit sa lahat, si Jericho Rosales.

Eh kontrabida roles?

“Na-try ko na pero hirap pa ako eh! Mas gusto ko talaga ng inaapi!” sagot ni Ria.

Kung nalusutan niya ang Kuya Arjo niya sa hiling na huwag pumasok sa showbiz, tiyak na mahihirapan siyang sundin ang isang payo na huwag mag-boyfriend ng taga-showbiz, huh!

vuukle comment

DIRECTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with