^

Pang Movies

Ellen hindi nagtatagal sa mga nagiging lalaki!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi nagtagal ang love affair ni Ellen Adarna at ng presidential son na si  Baste Duterte.

What you see is what you get ang drama noon ni Ellen na hindi nag-deny o umamin pero siya rin ang nagsabi na tapos na ang relasyon nila noong December 2016 pa.

May nagkuwento sa akin na natuwa ang concerned friends ni Baste nang maghiwalay sila ni Ellen pero hindi na siya nagbigay ng kumpletong detalye.

Marami nang nakarelasyon na mhin si Ellen pero hindi nagtatagal. Naging dyowa niya noon ang ex-boyfriend ng kanyang kaibigan na si Gwen Zamora pero humantong din sa hiwalayan.

Aljur biglang natameme tungkol kay Kylie

Ilang linggo nang hindi active sa social media si Aljur Abrenica.

Waiting ang followers ni Aljur sa next post nito dahil paingay nang paingay ang tsismis na malapit nang maging tatay ang aktor.

Mainit na pinag-usapan ang balikan portion nina Aljur at Kylie Padilla noong nakaraang taon. Naging masipag si Aljur sa pagpapainterbyu tungkol sa reconciliation nila ni Kylie pero tahimik siya at hindi pa nagsasalita tungkol sa rumored pregnancy ng girlfriend niya.

Hindi dapat madaliin ng fans si Aljur. Baka pinag-aaralan pa niya ang mga dapat gawin. Sooner or later, tiyak na sasabihin niya ang the truth and nothing but.

Kylie wala nang manager

Member ng PAMI si Betchay Vidanes, ang manager ni Kylie Padilla.

Hindi pa nagkakaroon ng meeting ang PAMI kaya wala pa kaming chance ni Betchay para makapagkuwentuhan.

Si Betchay lang ang puwedeng magkumpirma sa tsismis na hindi na siya ang manager ni Kylie dahil kumalas na ito sa kanya.

Kung wala na si Kylie sa poder ni Betchay, sino na ang bagong manager ng anak ni Robin Padilla. Malalaman natin ang tumpak na kasagutan kapag nakausap ko na si Betchay.

Miss U Candidates tuwang-tuwa nang makaharap si Digong

Nagpunta kahapon sa Malacanang Palace ang mga kandidata ng 65th Miss Universe para sa courtesy call nila kay President Rodrigo Duterte.

Kung feeling happy si Papa Rody dahil napaligiran siya ng beautiful girls, tuwang-tuwa naman ang mga kandidata dahil nakaharap at nakilala nila nang personal ang isa sa mga pinakasikat at kontrobersyal na presidente ng bansa sa buong mundo.

‘Yung totoo, nagmumukhang impersonator ni Papa Rody si US President Donald Trump dahil parang ginagaya nito ang mga aksyon at desisyon ng pangulo natin.

Pero sure na sure ako na mas mahusay na lider si Papa Rody dahil abogado siya, dating prosecutor, congressman at mayor. Kung sa pagalingan sa strategy, pupusta ako na angat na angat si Papa Rody kesa kay Trump dahil alam niya ang batas.

vuukle comment

ELLEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with