^

Pang Movies

Aktres muntik masipa sa serye dahil sa kadaldalan!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dahil sa sobrang pagiging chikadora ng aktres na ito, muntik na siyang matanggal sa teleserye na kinabibilangan niya.

Nalaman na lang ng aktres na ang kanilang direktor ang gustong alisin siya sa naturang teleserye dahil sa minsang pagkakamali niya sa isang eksena.

Handa na raw si aktres na sabihan siya na huwag na siyang mag-report sa set dahil alam niyang nagkamali siya sa isang taping nila at nagalit sa kanya ang direktor.

Pero nakakatanggap pa rin daw ng call time ang aktres kaya natutuwa ito na tuloy pa rin ang taping niya. ‘Yun nga lang ay sa ibang location na lang siya parati kaya ang second unit director ang nakakatrabaho niya.

Ayaw na sanang magtanong pa ng aktres kung bakit hindi siya natuloy matsugi, pero dahil hindi nito mapigilan ang pagiging chikadora, nagtanong siya sa isang tauhan ng production.

Nalaman niya na pinaglaban siya ng executive producer nila sa direktor. Minsang pagkakamali lang naman daw iyon at hindi fair na basta na lang ito tsugiin sa show.

Kaya naging deal na lang sa direktor ay hindi niya makikita sa set niya ang aktres at sa ibang unit daw ito ilagay.

Naiyak daw ang aktres dahil sa pagtatanggol na ginawa sa kanya. Hindi raw nila dapat ginawa iyon dahil sino ba naman daw siya? Pero dahil binigyan siya ng importansya, bongga ang mga pinamili niyang regalo sa buong staff ng show.

Brad Pitt limang oras lang sa isang linggo nakikita ang mga anak

Hindi nagustuhan ng Hollywood actor na si Brad Pitt na muling inilipat ng kanyang estranged wife na si Angelina Jolie ang kanilang mga anak ng bagong tirahan.

For the third time ay nilipat ni Angelina sa bagong address in Malibu, California ang anim nilang anak ni Brad. Mas malayo ito sa bahay ni Brad na located sa Los Feliz in Los Angeles. Ayon sa isang source, hindi tama para kay Brad na palipat-lipat ang kanilang mga anak dahil nawawalan daw ng sense of structure and routine ang mga bata. At lalong nalalayo sila sa piling ng kanilang ama.

Ang supervised weekly visit ni Brad ay nagsimula noong nakaraang October 8, 2016 at  tumatagal lamang ito ng limang oras.

Hanggang sa end ng January 2017 ang 5-hour?eekly visit ni Brad. Magpa-file ulit si Angelina ng bagong supervised visit ni Brad sa korte sa katapusan ng January.

vuukle comment

BRAD PITT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with