^

Pang Movies

Kim walang kasigla-sigla sa bagong pelikula

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Masaya si Vhong Navarro dahil sa wakas ay palabas na rin ang pelikula niyang Mang Kepweng Returns.

Hindi napasama sa Metro Manila Film Festival ang said movie ni Vhong kaya naman napakasaya niya dahil sa wakas ay mapapanood na ito ng mga tao.

Kabang-kaba siya dahil matagal siyang hindi napanood ng fans sa big screen.

Pero si Vhong Navarro lang ang nagpo-promote ng Mang Kepweng gayung marami silang involved sa pelikula.

Naririyan nga si Kim Domingo na sadyang kinuha ng producers na ipareha sa kanya pero unfortunately ay hindi ito nagpakita ng sigla.

Nagtataka ang marami dahil nabigyan nga siya ng chance na maging leading lady pero bihira naman siya kung mag-promote. Ibig bang sabihin nito ay hindi siya happy na makapareha si Vhong?

Sabagay si Vhong naman ang bida sa Mang Kepweng kaya walang problema. Kwento nga ni Direk GB Sampedro, nagpakita sila ng mga old joke at special effects sa movie.

Oro pinarusahan sa ginawa kay Nora?!

Mahilig po kami sa alagang aso kaya na-badtrip kami noong makumpirmang may aso palang totoong pinatay sa isang eksena sa pelikulang Oro.

Naku, ano ba naman ‘yan? Pelikulang pang-MMFF pero may eksenang brutal tungkol sa kung itu­ring ay “man’s bestfriend”?

Natanggal ang Superstar na si Nora Aunor sa said movie at inalis siya nang hindi sinasabihan.

Malaking blessing ito dahil hindi pinangarap ng Superstar na may brutal na eksenang masasama sa pelikula niya.

Well, masakit man ang nangyaring pang-aapi sa kanya, ang tadhana na ang nagbigay ng parusa sa sinumang mang-aapi ng kapwa!

vuukle comment

KIM DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with