^

Pang Movies

Pelikula ni Nora pinagkakaisahan daw, Irma napagkamalang may hawak na paputok

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malaking bagay ang ginawang pagdalo ni Superstar Nora Aunor sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kahit papaano, may napag-usapang big star. Imagine, wala ang nanalong Best Actor na si Paolo Ballesteros. Hindi rin dumalo si Eugene Domingo.

Karamihan ng nanalo ay taga-grupong “the who” raw. Marami ang nagtatanong, paano natalo ni Irma Alegre este Adlawan si Nora Aunor.

Take note, ni walang award ang Kabisera ni Nora Aunor.

Teka, napolitika nga kaya ang pelikula ni Ate Guy? Wow meron pang ganun? Panahon na ng pagbabago ngayon, sana ay magbago na.

Saka ‘yung style ng award bakit daw parang g­iant rebentador na ipinagmamalaki sa Bocaue, Bulacan. May komento nga na marami  raw takot tumabi kay Irma dahil baka daw mabitawan nito ang award at biglang sumabog.

Maraming drama sa MMFF kaya lang pulos panlalait kay Nora Aunor ang bumabandera. Mabuti pa sana kung FAMAS award ito or Oscars.

Pilipinas sa halip na ‘Pinas

Ngayong 2017, sana ay ibalik na ang tawag na Pilipinas sa halip na ‘Pinas. Katawa-tawa kasing pakinggan parang utal or bulol kasi ang nagsasa­bing ‘Pinas at masakit pakinggan sa tenga.

Utang na loob, huwag ninyong imali ang tama.

Naging cover lang ng men’s mag Kim nalunod agad sa kalahating basong tubig?!

Umaasa ang Cineko Productions producers na susuporta si Kim Domingo sa pelikulang produced nila, ang Mang Kepweng Returns. Si Vhong Navarro ang bida sa said movie. Hindi kasi nakikita ng fans si Kim na nagpo-promote ng pelikula.

Hindi raw ba siya excited na magiging bida na siya kasama si Vhong gayung ang daming nag-apply noon? Well, sana ‘wag namang malunod sa kalahating basong tubig si Kim komo’t calendar girl siya ng Ginebra at cover ng men’s magazine.

Masa pa rin ang kailangang sumuporta sa kanya at hindi mga lalaki lang.

Jak bakaraw ma­pulmonya na

May mga nagtatanong, kaninong idea raw ba ang lingguhang paghuhubad ni Jak Roberto sa TV show ni Eugene Domingo?

Palagi na lang kasing nakahubad ang Bula­kenyong actor na kapatid ng ex-beauty queen na si Sanya Lopez? May plano ba ang GMA na muling gawin ang Machete at si Jak ang gagawing bida? Mula kasi sa simula nakahubad na si Jak, baka raw mapulmonya sabi ng mga beking tagahanga ng aktor.

Anyway, kasama si Jak sa bagong series ng GMA kunsaan makakasama niya si Barbie Forteza, ang Meant To Be. 

vuukle comment

SUPERSTAR NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with