^

Pang Movies

Jennylyn at Gil hindi pa nabibigyan ng timeslot

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

A Prosperous New Year for all of us, dear PM (Pang-Masa) Readers.

Sa pagpasok ng New Year tatlong primetime teleseryes ang magsisimula nang mapanood sa GMA 7, ang Destined To Yours, ang unang teleserye ng AlDub o nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Meant To Be ni Barbie Forteza, kasama niya ang apat na leading men niya at ang Pinoy adaptation ng Koreanovelang My Love From The Star na magtatampok kay Jennylyn Mercado at ang bago niyang leading man na isang Spanish Filipino, si Gil Cuervo

Commercial and print model si Gil, kaya hindi kataka-taka kung may pressure siyang mararamdaman sa role ni Matteo Du, na siyang ibinigay sa kanya. Hindi naman ikinaila ni Gil na may pressure talaga sa kanya ang role lalo pa at first acting job niya ito.

“Yes, totoong may pressure, a lot of pressure, sa akin ang role,” sagot ni Gil.  “Alam kong may magiging comparison sa acting ko at sa acting ni Kim Soo Hyun, lalo pa at kilala siya, he’s a big star in Korea.  But I’m up for the challenge, and I’m excited to do it.”

Nagsimula nang mag-taping si Gil with his leading lady. Hindi ba sila nailang kay Jennylyn, na first time din lamang niyang makakasamaNagulat daw siya na very down-to-earth pala ang best actress awardeeMadali raw siyang naging comfortable working with her sa first taping day pa lamang nila. He’s looking forward for more taping days with Jennylyn, after the Holiday seasons.

Wala pa lamang press release ang GMA 7 kung kailan magsisimula mapanood ang My Love From The Star.

Lovelife ni Andrea malungkot pagpasok ng taon

Hindi nga ba maganda ang pagtatapos ng taong 2016 sa mahusay na sexy actress na si Andrea Torres? Totoo bang on-cam at off-cam malungkot ang love life niya?

Pero ngiti lamang ang sagot ni Andrea nang makausap namin siyaNagbiro pa siya na totoong broken-hearted siya, pero sa kanyang top-rating primetime series na Alyas Robin Hood.

vuukle comment

ANDREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with