^

Pang Movies

Aktres depressed pa sa natamong rejection!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

“He hates me,” ang umiiyak na sumbong ng isang aktres sa mga kamag-anak niya dahil nawalan siya ng regular television show.

Ang male producer ng show ang tinutukoy ng aktres na kinamumuhian siya kaya hindi na matutuloy ang pagbibida niya sa isang television program.

Wake up call ang nangyari sa aktres na naging abusado noong namamayagpag ang kanyang career. Ang akala yata ng aktres, forever nang nasa ibabaw siya ng tagumpay kaya depressed na depressed siya sa naranasan na rejection.

Bossing Vic may pramis kay Bea

Nanghihinayang si Bea Binene dahil hindi kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 ang Enteng Kabisote 10 and The Abangers.

Type na type pa naman ni Bea na sumakay sa float at mag-join sa Parade of Stars sa December 23.

Nang malaman ni Vic Sotto na gustong-gusto ni Bea na sumali sa parada, sinabihan niya ang dating child actress na sumama na lang sa float ni Paolo Ballesteros dahil official entry sa MMFF ang pelikula nito, ang Die Beautiful.

Nagbiro si Bossing para hindi na mag-emote si Bea na parang anak ang trato niya. Ang sey ni Bossing, sasali uli siya sa MMFF sa susunod na taon dahil kapag napili ang pelikula niya, makaka-join na si Bea sa Parade of Stars.

Sarah gaganap na Valentina sa Darna

May balita na kasama si Sarah Lahbati sa Darna movie na pagbibidahan ni Angel Locsin sa susunod na taon.

Dahil sa paglitaw ng name ni Sarah, may mga nagtatanong kung siya ba ang gaganap na Valentina, ang kontrabida sa buhay ni Darna.

Kahit kontrabida ang role ni Valentina, maraming aktres ang nag-aam?isyon na sila ang gumanap na Valentina dahil bukod sa challenging ang role, mahaba ang exposure niya. Walang Darna kung wala si Valentina.

Sexy star naging mahiwaga ang buhay sa piling ng DOM

Tahimik pero mahiwaga ang buhay ng sexy star na hindi active sa showbiz pero living in style.

Ang tsismis, may DOM na nag-aalaga sa sexy star at siya ang nagbigay ng bagong sasakyan ng babae na kinababaliwan niya.

Hindi faithful ang sexy star sa kanyang benefactor dahil nakikipagtsugihan siya sa aktor na nakatrabaho niya sa isang flop na teleserye.

Mga Indie sa MMFF nananahimik pa

Hindi pa nag-iingay ang mga indie movie na kasali sa Metro Manila Film Festival 2016 dahil maaga pa para maglabas sila ng publicity or else, makakalimutan na sila ng mga tao kapag talagang malapit na ang opisyal na pagsisimula ng MMFF sa December 25.

May nagsabi sa akin na may promise raw ang Saving Sally, ang indie movie na pinagbibidahan ni Rhian Ramos. Napanood na raw niya ang trailer ng Saving Sally at true raw na pambata ang pelikula na ten years in the making.

vuukle comment

BEA BINENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with