^

Pang Movies

Mga sinehan nagpo-promote ng sariling filmfest nina Vice, Vic at Richard!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakakagulat iyong nakita naming advertisement ng isang theatre chain na nagsabing magsisimula ang Pinoy Moviefest sa November 30 at tatagal hanggang December 24. Doon sa kanilang advertisement ay nakalagay ang ad layout ng pelikulang Mano Po 7: Chinoy na pinagbibidahan ni Richard Yap at dalawang iba pang pelikula, iyong Enteng Kabisote 10 ni Vic Sotto at iyong kay The Super Parental Guar­dians ni Vice Ganda.

Ang tatlong pelikula ay hindi nakapasok sa film festival, pero lumalabas na sila ay magkakaroon ng festival na sarili nila, at inaasahang iyon ay mag-aakyat ng mas malaking pera sa takilya.

Ibig sabihin, sa kabuuan ng dalawampu’t limang araw na Pinoy Moviefest, iyan ay sabay-sabay ring ipalalabas sa mga key cities ng Pilipinas. Naroroon din ang posibilidad, o sabihin na nating sigurado nga na extended ang kanilang showing sa key cities sa panahon ng kapaskuhan. Sa Metro Manila ay obligado ang mga sinehan na ilabas ang mga pelikulang kasali sa festival lamang. Pero sa labas ng Metro Manila, tiyak na ang mamamayani ay ang mga kasali sa Pinoy Moviefest na iyan.

Maliwanag din naman sa mga usapan na ang mga sinehan sa mga probinsiya ay hindi maglalabas ng mga pelikulang kasali sa film festival simultaneously, kagaya nang ginagawa noong mga nakaraang taon na nagmistulang nationwide na nga iyang MMFF. Ngayon mukhang confined lamang talaga ang mga pelikula nila sa Metro Manila.

Dahil umani rin ng hindi magagandang comments sa legitimate media ang mga pelikula sa festival, mukha ngang mananatiling hanggang sa social media na lamang ang promo ng kanilang mga pelikula. Sa social media lang din lumalabas ang trailer ng kanilang mga pelikula at hindi sa telebisyon kagaya nang ginagawa ng malalaking pelikula. Halos wala kasing promotion at advertising budget iyang mga pelikulang indie, kaya nagkakasya na lang siya sa social media promo.

Ang labanan ngayon, alin daw kaya ang mas kikita ng malaki, iyong Pinoy Moviefest kung saan ilalabas ang tatlong mainstream movies na ina­asahan talagang kikita, o iyong walong pelikulang indie na kasali sa film festival? Malalaman natin iyan.              

Alma sa kulungan magpa-Pasko

Humarap si Mark Anthony Fernandez sa isang hearing ng kanyang kaso sa Angeles City, Pampanga. Malungkot ang actor dahil halos tiyak na ngang makakaranas siya ng Pasko sa loob ng kulungan kung talagang hindi siya magkakaroon ng pagkakataong makapagpiyansa. Sinasabi naman na mukhang wala ngang piyansang makukuha dahil ang nahuli sa kanya ay isang kilong marijuana.

Kasabay niyan, sinabi naman ng kanyang inang si Alma Moreno na doon din siya magpapalipas ng araw ng Pasko sa jail, para samahan ang kanyang anak. Pero siguro nga, ano mang pagsisikap, iba pa rin iyong Pasko na malaya sana si Mark. Pero ganoon talaga ang mangyayari dahil nga sa kanyang kaso.

Ang pinakamaganda nga lang sana riyan ay kung matatapos na agad ang kaso at malaman na kung ano ang magiging desisyon ng korte, para sa ganoon ay mas makapaghanda naman si Mark kung ano man ang magiging pagbabago pa sa kanyang buhay.

Male talent na talunan sa talent search nakakuha ng ibang raket

Totoo ang tsismis tungkol sa sumali sa isang male talent contest sa telebisyon. Mukha ngang kailangan niyang “mag-sideline” dahil sa bago niyang lifestyle simula nang makasali siya at natalo naman sa contest. Noong una, ang tsismis ay isinasama lang siya ng isang dating male bold star sa “sideline”. Ngayon mukhang nagsasari­ling kayod na siya.

 

vuukle comment

MARK ANTHONY FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with