^

Pang Movies

Gladys iwas muna sa pagtataray habang buntis

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Gladys iwas muna sa pagtataray habang buntis
Gladys Reyes

Isa si Gladys Reyes sa mahuhusay na young kontrabida sa showbiz ngayon pero kahit papaano nai-stress din siya kapag may mga eksena na siyang nagagalit, nagtataas ng boses, at nananakit ng kanyang kaeksena kahit acting lamang iyon.

Napapanood ngayon si Gladys sa afternoon prime drama na Oh, My Mama, na nagtatampok kay Inah de Belen sa GMA 7.  Open din na four months preggy ngayon si Gladys, kaya natanong siya kung hanggang kailan siya magti-taping ng kanilang serye na dinidirek ni Neal del Rosario.

“Hanggang kaya ko,” natatawang sagot ni Gladys. “Ang bait sa akin ng mga writers ng aming serye dahil mabait ang role ko rito bilang si Inday, best friend ni Gordon (Epy Quizon), ang beking mama ni Maricel (Inah).  Kaya hindi ko kailangang magalit, hindi ko kailangang manakit, relax lang ako sa acting ko.  Kahit may eksenang iyakan, hindi masyadong mabigat.  Alagang-alaga rin ako ng mga kasama ko sa set.”

Sa ngayon ay mahihirap na ang eksena nina Inah, Jake Vargas at Jeric Gonzales, paano nila sinusuportahan ang tatlong young stars, lalo na si Inah na grabe ang pahirap na inaabot sa mga namumuno sa toy factory, tulad ni Yul Servo na siyang head ng sindikato. 

Nagbibigay naman daw sila ni Epy ng pointers sa tatlong bida ng story lalo na kung mahirap talaga ang eksenang gagawin nila. Si Inah raw, anak talaga ni Janice de Belen dahil ang husay nitong umiyak at mag-deliver ng dialogues.  Sina Jake at Jeric ay very sensitive rin sa roles.  Nakikita raw nila ang improvement sa acting ng tatlo.

Ang Oh, My Mama ay napapanood araw-araw, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Alden, daddy na

Nagdiwang ang mga tagasubaybay ng Kal­yeserye ng Eat Bulaga nina Alden Richards at Maine Mendoza, nang finally, after a year na ikinasal sila. Muling nag-pregnancy test si Maine at sinabing magiging daddy na si Alden. Buong Broadway studio ay tilian nang biruin pa ni Bossing Vic Sotto si Alden ng “congratulations, daddy!”

Ang tatlong lola, matutupad na raw na magkakaroon na sila ng apo sa tuhod, si Lola Tidora (Paolo Ballesteros), sinabing paglabas ng baby, tuturuan na raw niya agad mag-make-up.

Nasabay naman sa announcement ni Alden sa kanyang twitter account ang malapit na raw opening ng Quezon City branch niya ng kanyang Conchas Cafe na matatagpuan din sa Tagaytay City. Kung hindi kami nagkakamali, may soft opening na ang kanyang bagong branch by the end of November.

Tom at Lovi patindi ang iyakan

Nakausap namin si Jackielou Blanco at nasabi namin sa kanyang maraming umiiyak na sumusubaybay sa mga eksena nina TJ (Tom Rodriguez) at Joanna (Lovi Poe) sa primetime drama nilang Someone To Watch Over Me na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Alyas Robin Hood.

Ayon kay Jackie, mas lalong nakakaiyak ang mga susunod na eksena, dahil tuluyan nang mawawala ang pag-iisip ni TJ, wala na siyang matatandaan at ang tao na lamang makikilala niya ay ang dating girlfriend nito, si Irene (Max Collins) at sa kanya na lamang siya maniniwala. 

vuukle comment

GLADYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with