^

Pang Movies

Rico J parang hindi naoperahan, balik na naman sa kalaswaan ang bibig!

SOUNDS FAMILIAR - Jun Nardo - Pang-masa
Rico J parang hindi naoperahan, balik na naman sa kalaswaan ang bibig!
Hajji Alejandro, Marco Sison, Jessa Zaragosa at Rico J. Puno

Back to normal na si Rico J. Puno – sa pagkanta at pagiging mahalay! Para kasing hindi siya sumailalim sa operasyon nang sumipot sa presscon ng The Best of OPM Hitmakers sa Jet 7 Bistro. Kaso late siyang dumating kaya napulutan muna siya ng kasama sa concert na sina Hajji Alejandro, Marco Sison, Rey Valera at Jessa Zaragosa na special guest.

Ayon kay Marco, madalas maiwanan ng eroplano si Rico.

“So kami na nagpaplano kung ano ang mangyayari sa concert. Si Hajji ang leader namin kasi wala siya. Pero biglang sisipot siya sa concert. Kaya hayun, nababago ang lahat na plinano namin,” chika ni Marco.

“Nahahawa naman kasi sa mga joke niya onstage. May mga bago kasi siyang ginagawa. Eh kahit na nga sumailalim na siya sa operasyon, parang walang nabago,” sey naman ni Rey.

Nang dumating si Rico after ng presscon proper, umarya na naman siya ng green jokes niya. Eh ‘yung version niya sa YouTube ng isang kanta ng Eraserheads na Huling El Bimbo ay nag-hit dahil sa malaswa niyang lyrics.

“Pero nabago na ang lifestyle ko dahil sa nangyari sa akin. Na-discover ko kasi na ‘yun lang pala ang gusto nila sa akin! Akala ko ‘yung hitsura ko. Hindi. Doon lang! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Rico.

Hindi na rin daw siyang gumigimik masyado. Kailangan daw niyang i-reserve ang energy niya dahil konsehal uli siya ng Makati City.

“Dahil 63 years old na ako, ang tinutulungan ko talaga mga senior citizen,” saad niya.

Eh ano naman ang masasabi niya kay President Duterte?

“Siya ‘yung president natin na akala mo galit tayo. Hindi lang tayo sanay na ganoon ang pangulo. Ganoon si Presidente Duterte. Saludo ako riyan! Malinis at makakapaglakad ka sa kalye na may cell phone na walang gagalaw sa ‘yo! Ibang klase siya,” rason ni Rico.

Eh kung ang ibang artista eh ayaw malibing ang dating Presidente Marcos sa Libingan ng mga Bayani, pabor naman siya. “Dapat may ending ang lahat!” saad pa ni Rico.

Sa Newport Performing Arts sa Resort’s World Hotel gagawin ang concert kung saan nakaramdam ng unang atake si Rico dahil sa mataas niyang sugar.

Angeline nanginig sa tikiman nila ni Jake

Malapit nang husgahan ang loveteam nina Tommy Esguerra at Miho Nishida sa una nilang sabak sa big screen sa pelikulang Foolish Love. Kapwa sila produkto ng Pinoy Big Brother at nagustuhan ng tao ang charisma ng dalawa.

Sina Jake Cuenca at Angeline Quinto naman ang magkapareha sa Joel Lamangan movie. Hindi na kikay-kikay ang role ng singer dito matapos mapanood sa That Thing Called Tanga Na.

Dito naranasan ni Angge ang mga halik ni Jake pati na ang bruskong romansahan. Nanginginig nga raw singer-actress bago kunan ang love making nila ng aktor. First time niyang ginawa ‘yon sa pelikula dahil mas kilala siya bilang singer.

Kaya kahit inaatake ng nerbyos si Angeline, sumige lang siya kese matalakan ni Direk Joel, huh!

vuukle comment

RICO J

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with