^

Pang Movies

Ombudsman mas dapat unahin ang mga kurakot kesa kay Bato!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang mga kurakot ang dapat unahin ng Ombudsman ang pagtatanggol ni Senator Manny Pacquiao kay PNP Chief Director Ronald “ Bato “ dela Rosa na kinukuwestyon ang panonood ng Pacquiao- Jessie Vargas fight sa Las Vegas noong November 5.

In hot water si Papa Bato dahil napanood sa buong mundo ang pag-akyat niya sa boxing ring na hindi ikinatuwa ng Ombudsman at ng detractors niya.

Kris naloka sa pambibitin ni Duterte

Si Kris Aquino ang inusisa sa akin ng isang babae na nakita ko kahapon sa simbahan na pinag­dausan ng parangal kay AiAi delas Alas.

Panay ang tanong ng babae na fan yata ni Kris kung kailan ito babalik sa GMA 7.

Nag-smile lang ako sa babae dahil hindi ko alam ang tumpak na kasagutan.

Basta ang alam ko, hindi natuloy kahapon ang interbyu ni Kris kay President Rodrigo Duterte dahil masama umano ang pakiramdam ng pangulo kaya may-I-go home na ito sa bahay niya.

Ang sey ng mga saksi, naloka si Kris dahil lumipad pa ito ng Davao City para lang sa one-on-one interview niya kay Papa Rody.

Nadismaya raw si Kris dahil handang-handa na siya sa tsikahan portion nila ni Papa Rody. Ang dami-dami pa naman na pralala tungkol sa interbyu ni Kris kay Papa Rody na mapapanood sa PTV4 at TV5.

AiAi cry me a river nang tanggapin ang award galing kay Pope Francis

Cry me a river si AiAi delas Alas nang tanggapin niya kahapon ang gold medal na parangal sa kanya ni Pope Francis.

Ang ganda-ganda ni AiAi sa kanyang all black outfit na ginawa ng fashion designer na si Maxi Cinco.

Binibiro nga ang Comedy Queen na parang magiging santa na siya dahil sa itsura niya na kapita-pitagan.

Touched na touched si AiAi dahil dumalo ang mga kaibigan niya sa showbiz, sina Sharon Cuneta, Alden Ri­chards, Wally Bayola, Jose Manalo at Nova Villa.

AiAi inaalala ang mga naibigay ni Sharon

Ikinuwento ni AiAi na tanging si Sharon na BFF niya ang nagbigay sa kanya ng Louis Vuitton na bag, sa­patos at name tag.

Tawa nang tawa si Sharon habang pinaki­king­gan ang kuwento ng kanyang BFF na Comedy Queen.

Hindi na tinapos ni Alden Richards ang misa dahil may appointment pa siya.

Na-appreciate ni AiAi ang pagda­ting ni Alden na wala pang pahinga dahil nangga­ling pa siya sa Eat Bulaga.

May kalayuan ang Cathedral of the Good Sheperd na pinagdausan ng pagbibigay ng Papal Award kay AiAi pero sumipot pa rin ang invited guests.

vuukle comment

PARADISE DYNASTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with