^

Pang Movies

Pancho may lihim na pagtingin kay Diana

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa mas umiinit pang tagpo sa Encantadia, susuko si Lila Sari (Diana Zubiri) kay Hagorn (John Arcilla) kaya’t aatasan ni Hagorn si Hitano (Pancho Magno) bilang mataas na kawal na diwata para ikasal sila ni Lila Sari. Magaganap ang kasal kahit batid kay Hitano ang selos at di pagsang-ayon. Magpupulong sina Danaya (Sanya Lopez), Amihan (Kylie Padilla), at kanilang mga kapanalig. Iaanunsyo ni Amihan na tinatanggap na niya ang alok ni Pirena (Glaiza de Castro) para magsanib-pwersa laban kay Hagorn. Sasang-ayunan naman nila ito.

Nagtungo na sina Amihan at Danaya kay Pirena para sabihin na tinatanggap na ng dalawa ang alok ni Pirena na makipag-alyado. Ngunit tatanggihan ito ni Pirena dahil sa pagtanggi nila Amihan at Danaya noong nangailangan siya.

Hinahanap ni Ybarro (Ruru Madrid) si Kahlil (Avery Paraiso). Sa gitna ng kanyang paghahanap ay makikita niya si Ether at pagsasabihan siya nito na huwag nang hanapin si Kahlil dahil hindi niya ito makikita.

Nakadating na si Agua (Janine Gutierrez) at Pagong na Alena sa Etheria para pumitas ng bunga sa isang puno na ipapakain kay Alena para magbalik ito sa dati nitong anyo ngunit hindi sila makakakuha dahil ipagtatabuyan sila ni Evades dahil sa hindi nila pagpapaalam sa pagpitas.

Darating si Hagorn sa Lireo kasama sina Hitano at Lila Sari. Magbabait-baitan si Pirena sa kanyang ama ngunit hindi ito uubra dahil sa ipagtatapat ni Hagorn kay Pirena na si Lila Sari na ang bagong Reyna. Tatanggalin ni Hagorn ang korona ni Pirena ngunit papalag si Pirena at susubukang umatake ngunit pagbabantaan siya ni Hagorn na papaslangin siya nito.

Abangan ang marami pang eksena sa Encantadia gabi-gabi sa GMA-7.

vuukle comment

PANCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with