^

Pang Movies

Sunshine close pa rin sa biyenan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sunshine close pa rin sa biyenan

Nag-file ng isang rejoinder affidavit ang estranged husband ni Sunshine Dizon na si Timothy Tan at ang umano’y third party sa kanilang nasirang relasyon na si Clarisma Sison kaugnay ng mga kasong inihain ng Kapuso actress laban sa dalawa.

Ayon sa report ng 24 Oras, sabay na dumalo sa preliminary investigation sina Timothy at Clarisma sa Quezon City Prosecutor’s Office noong November 3.

Hinaharap nila ngayon ang mga kasong anti-violence against women and their children at concubinage.

Sa isang interview kay Timothy, sinabi nito na nabibisita niya ang mga anak ngayon dahil sa maayos naman daw ang pakikitungo nila ni Sunshine sa isa’t isa.

Kelan lang ay nakita si Sunshine na kasama ang father-in-law nito na si Lito Tan na nakipag-bonding sa kanyang mga apo.

Kahit na may problema sa mag-asawa, hindi naman pinutol ni Sunshine ang magandang relasyon sa kanyang in-laws.

Brad Pitt naghahabol ng custody rights sa anim na anak

Nag-file na ng joint custody ang Hollywood actor na si Brad Pitt para sa anim na anak nila ng kanyang estranged wife na si Angelina Jolie.

Nag-file ng documents ang 52-year old actor para sa kanyang custody rights sa mga anak na sina Maddox, Pax, Zahara, Shiloh, Knox at Vivienne.

Sagot ito ni Brad sa sinampang sole physical custody ni Angelina noong nakaraang September 20. Naimbestigahan na si Brad ng authorities tungkol sa isang insidente kung saan naakusahan siya ng child abuse.

Nakita naman na ng aktor ang kanyang mga anak pagkatapos ng halos isang buwan na nagkahiwalay sila. Pero supervised by a therapist ang naging meeting na iyon ni Brad with his kids. Hindi pa sinasagot ni Brad ang allegation sa kanya tungkol sa child abuse. Inuuna raw muna ng aktor ang maayos na lagay ng kanyang mga anak.

vuukle comment

SUNSHINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with