^

Pang Movies

Marian, bumalik na ang dating galaw

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Marian, bumalik na ang dating galaw
Marian Rivera-Dantes

Wala pa ring tatalo sa pagiging Dancing Queen ni Marian Rivera-Dantes nang muli siyang magpakita ng husay sa pagsasayaw last Sunday sa Sunday PinaSaya kung saan ginanap ang grand draw ng Kopiko Blanca na ini-endorse niya ng mahigit na dalawang taon na. 

Bago ginanap ang grand draw ay ipinakita muna ni Marian ang husay niya sa pagsasayaw at napaka-sexy niya sa outfit na suot niya.  Ginanap ito pagka­tapos batiin ng show ang malaking tagumpay ng ating Pambansang  Kamao na si Manny Pacquiao.

Successful ang pa-contest nila na ang grand winner ay tumanggap ng isang brand new Mercedes Benz at isa pang grand winner na tumanggap naman ng one million-tax free cash prize.  Congratulations!

AlDub hindi pa nakakabuo

Expected na ang tuksuhang naganap kahapon sa Kalyeserye ng Eat Bulaga nang bumalik na sa show sina Mr. & Mrs. Alden Richards mula sa kanilang ‘honeymoon’ sa London at Germany.  Pagpasok pa lamang ni Maine (Mendoza) sa eksena habang nagluluto ang tatlong lolas na nakumpleto na rin, sina Nidora (Wally Bayola), Tidora (Paolo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo), biro agad ni Tinidora, “ano ba apo, may laman na ba?” na sagot ni Maine, “wala pa po, ang bilis naman.”

Pagkatapos ay ikinuwento na nina Alden at Maine ang mga nangyari pa sa pagbibiyahe nila sa London at Germany.  Pero biglang sinekreto ni Maine kay Lola Nidora dahil hindi raw pwedeng malaman ni Alden ang sasabihin niya, nang biglang bumusina kaya ang sabi ni Bossing Vic Sotto, dapat daw ay malaman na ng mga tele­viewer ngayong Tuesday kung ano ang sekreto ni Maine. 

MMFF nagpaliwanag

Nagpadala ng official statement ang Executive Committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF).  Hindi na rin naman bago ito dahil naipahayag na nila beforehand, pero ipinaliwanag na nila ang term na “picture lock” na stage in film editing prior to online editing when all changes to the film cut have been done and approved.

Ayon kay Edgardo Boy Vinarao, “isang buong pelikula na walang music, fx, grading, etc. Hindi na pwedeng magalaw ang pelikula dahil naka-lock na, ibig sabihin, wala nang pwedeng madagdag o mabawas na eksena.  Kung ang isa-submit ng producer ay picture lock at isang criteria sa pagpili ay technicality, na sa MMFF eh 40%, ibig sabihin, mababa ang score na makukuha nila sa technicalities, mahihirapan silang makapasok sa top 8.”

Masunod kaya ito ng mga producers na lalahok at mapipiling Top 8?

 

vuukle comment

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with