^

Pang Movies

Enzo Pineda Kapamilya na, gaganap na dyowa ni JC

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Enzo Pineda Kapamilya na, gaganap na dyowa ni JC
Enzo

Pasok na sa cast ng trending series na Till I Met You ang gaganap bilang lover ng gay na si Ali, na epektibong ginagampanan ng former theater actor na si JC Santos.

At napunta ang role na ito kay Enzo Pineda, ang dating contract talent ng GMA 7.

Wala pa kaming idea kung bakit si Enzo, gaya ng dating Kapuso talent na si Elmo Magalona, ay napagdesisyunang lumipat sa Kapamilya via Dreamscape Entertainment Television, headed by Deo Edrinal.

Pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre ang TIMY. Directed by Antoinette Jadaone and Andoy Ranay, kasama sa cast sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, Pokwang, Robert Seña, Noel Trinidad, William Lorenzo at Angel Aquino.

Featured ang komedyante-cum singer na si Kim Molina sa serye.

Nadia at Arlene aminadong obese

Kasalukuyang busy ang mag-amigang sina Nadia Montenegro at Arlene Muhlach sa pagpe-prepare ng kanilang upcoming Christmas Celebrity Bazaar na malapit na nilang simulan.

Ngayong parehong kasal na sila at may mga anak na rin, medyo napabayaan ng dalawa ang sarili, obviously sa kanilang madalas na pamamalagi sa “kusina.” Aminado naman sila na overweight na sila. Pero noong kanilang panahon, hindi lang sila sobrang sexy kundi magaganda rin. Napapanood pa rin naman sila sa TV o pelikula paminsan-minsan. Well, of course, ‘yong babagay na sa kanilang edad and personalities na rin.

Huling napanood si Nadia sa Tubig at Langis, starring Zanjoe Marudo, Isabelle Daza and Cristine Reyes.

May bagong assignment naman si Arlene, A Love To Last. Secret pa kung sinu-sino ang bida ng malapit nang isahimpapawid na teleseryeng ito.

By the way, between Nadia and Arlene, si Nadia ang may anak na sumusunod sa kanyang yapak sa showbiz. Ito ay si Yna Asistio.

Imelda sinagot ang pagpapaospital ng kaibigan

Saluduhan natin, Salve A., ang Bicolana singer na si Imelda Papin, na bagama’t di na gaanong aktibo sa kanyang dating propesyon ay nanatiling malapit sa mga taga-showbiz.

Almost everybody’s hearts went out to Virgie Balatico, na kumukuha ng mga litrato ng celebrities at saka idi-distribute sa mga entertainment writers for publication, without expecting anything in return, kumbaga. Yes, kaibigan ang turing niya sa mga artista.

Well, kamakailan ay nagkasakit si Virgie. At ayon sa reports ay dinala siya ni Kaye Torres, anak ng late actress na si Nida Blanca, sa isang ospital sa Quezon City.

At gaya nang nakagawian sa free ward ng mga ospital, maraming mga pasyente at maging student nurses. Isa sa mga student nurse ay pamangkin pala ni Imelda at nakilala si Virgie.

Pagkatapos umalis ang mga nurse, nilipat daw si Virgie sa isang pribadong kuwarto sa ospital. Tinawagan pala ng nurse ang tita niyang si Imelda at nag-request agad ito (Imelda) na i-transfer ng kwarto si Virgie. Siya raw ang magbabayad sa lahat ng gastos habang naka-confine si Virgie.

Nakauwi na raw si Virgie ayon sa mabuting kaibigan at entertainment columnist na si Linda Rapadas. “Kailangan niya lang bumalik for occasional check ups. And, of course, therapy.

“Na sagot pa rin ni Imelda,” ani Linda.

Well, among the other celebrity friends ni Virgie na nakaalaala sa kanya ay ang magkapatid na Ichu Maceda at former Dagupan Congresswoman Gina de Venecia, Jean Saburit at Willie Revillame, ayon pa rin kay Virgie.

Well, to all of them, kami, na mga friends ni Virgie sa entertainment, ay nagpapasalamat sa inyong lahat.

May your tribe increase.

Happy birthday, Ate Vi…

Birthday ngayon ng Star for All Seasons at Lipa City Congresswoman na si Vilma Santos-Recto.

Many happy returns of the day, Ate Vi.

vuukle comment

ENZO PINEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with