^

Pang Movies

Pia pinakamasaya Miss Universe 2016 kumpirmado na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pia pinakamasaya Miss Universe 2016 kumpirmado na!
Pia

Inaasahan na bukas maglalabas ng official statement ang Miss Universe Organization tungkol sa Miss Universe 2016 na sure nang mangyayari sa Mall of Asia Arena sa January 30, 2017.

Ang announcement ng MUO ang magpapatahimik sa mga nega na ayaw maganap sa bayan natin ang Miss Universe dahil type lang nila na buwisitin ang administrasyon ni President Rodrigo Duterte.

Si Pia Wurtzbach ang pinakamasaya sa good news dahil ginawa niya ang lahat ng makakaya para mairaos sa Pilipinas ang beauty contest na nagpabago sa takbo ng kanyang buhay.

Tuwang-tuwa ang beauty pageant fans, lalo na ang mga vaklush dahil pagkatapos ng dalawang dekada, muling gaganapin sa Pilipinas ang Miss Universe na live na mapapanood sa Fox Channel at sa ABS-CBN.

Bago pa maglabas ng announcement ang MUO, confirmed na idaraos sa Pilipinas ang Miss Universe at ayon ito kay former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson.

Si Papa Chavit ang isa sa mga punong-abala sa paghahanda para sa Miss Universe at siya rin ang taga-hanap ng budget na milyones na dollars ang halaga.

Sinadya ni Papa Chavit na manahimik dahil ipinaubaya niya sa MUO at Department of Tourism ang announcement na talagang ang Pilipinas ang one and only venue ng 65th edition ng Miss Universe.

Mas malaki ang masasayang na datung kung hindi matutuloy ang staging ng Miss Universe sa Pilipinas dahil nakabili na si Papa Chavit ng yacht at mga bus na gagamitin ng official candidates  sa pagbisita sa mga tourist attraction sa bansa natin.

Closetang hunk actor tumikim ng gay comedian!

Nagkatsugihan pala ang isang gay comedian at ang hunk actor na matagal nang natsitsismis na baklita.

Ang hunk actor ang inaasahan na susunod sa yapak ni Prince Stefan as in marami ang pumupusta na sooner or later, maglaladlad na rin siya.

Kahit isikreto ng hunk actor ang kanyang tunay na pagkatao, mahihirapan siya dahil ang mga mhin na nakatsugihan niya ang nagkukuwento tungkol sa lihim niya.

Hindi nag-iisa ang hunk actor dahil marami ang katulad niya sa showbiz pero iilan lamang ang may lakas ng loob na aminin ang katotohanan gaya nina Rustom Padilla, Prince at Toffee Calma.

Dugo ni Laarni kitang-kita kay Ellie

Bihira nang makita ng publiko si Laarni Enriquez mula nang mag-quit siya sa showbiz at mag-focus sa pag-aalaga sa tatlong anak nila ni Papa Joseph Estrada.

Muling nasilayan ng mga tao si Laarni dahil sa lumabas na picture nila ni Papa Erap, kasama ang kanilang apo na si Ellie, ang anak ni Jake Ejercito kay Andi Eigenmann.

Hindi maitatanggi na kadugo nina Papa Erap at Laarni ang bagets na tisay na tisay. May anggulo si Ellie na kamukha siya ng kanyang Lola Laarni.

Si Ellie ang pangalawang apo nina Laarni at Papa Erap dahil unang nagkaroon ng anak ang kanilang panganay na si Jerika na ex ng aktor na si Bernard Palanca.

Masuwerte ang mga apo nina Papa Erap at Laarni dahil tiyak na ang pagkakaroon nila ng magandang kinabukasan. Bukod sa good provider si Papa Erap, mahusay na negosyante si Laarni.

vuukle comment

MISS UNIVERSE ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with