^

Pang Movies

Jake handa na sa pagpo-produce!

BAHALA SI BITAG - Nora Calderon - Pang-masa
Jake handa na sa pagpo-produce!
Jake Cuenca

 Maganda ang tambalan nina Jake Cuenca at new actress Loren Burgos na unang nagsama sa Mulat na dinirek ni Diana Ventura. Hindi ikinaila ni Loren na medyo nahirapan siya sa love scene nila ni Jake dahil hindi pa nga sila magkakilala nang lubusan. Pero ipinagpasalamat ni Loren na very gentle raw si Jake sa kanya, kaya nawala ang awkwardness niya. Noong una raw kasi, natakot siya kaya nagpaalam siya kay Jake na yayakapin na niya para maalis ang pagkailang nito.

Isang indie film ang Mulat at nagbigay ng Best Actor trophy kay Jake mula sa International Film Festival Manhattan in New York at sa Brazil Film Festival. A psychological thriller, ang movie ay nabigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Na-inspire si Jake sa ganda ng Mulat kaya ngayon pa lamang ay inihahanda na niya ang pagpu-produce ng isang indie film na isasali niya sa Cinemalaya 2017. Ayaw pa niyang magbigay ng detalye dahil isinusulat pa lamang ang script.

Loveless ngayon si Jake dahil hindi naman nag-materialize ang pagbabalikan sana nila ng girlfriend niyang modelo.

Alden at Maine ipamumudmod sa nabagyo ang mga natanggap na regalo 

Nakakatuwa naman na ang mga natanggap palang wedding gifts nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza sa Kalyeserye ng Eat Bulaga last Saturday ay idu-donate nila sa mga nasalanta ng bagyong Lawin. Ipinakiusap pala nila talaga iyon sa fans at hindi naman sila nagkait. In fact, sabi ng dalawang lolas sa Kalyeserye, marami pa raw wedding gifts sa Broadway Studio. Sabi nina Alden at Maine, kahit ang mga appliances na natanggap nila ay ibabahagi rin nila sa typhoon victims dahil alam nilang kailangan nila ang mga iyon.

Cherie gusto na uling makasama ang mga anak

Sa GMA Network naman ngayon may bagong programa ang mahusay na actress/kontrabidang si Ms. Cherie Gil. Siya ngayon ang kalaban ni Dingdong Dantes sa top rating action drama na Alyas Robin Hood na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Encantadia. May isa palang historical movie siyang ginagawa ang A Thousand Tears na life story ng founder ng Girl Scouts of the Philippines. May stage play din, ang Vanya & Sonia, Mashia & Spike, for Repertory Philippines, “That will be my ode to Baby Barredo and Joji Velarde, and to Biboy Amador, because I happen to be a part of it.”

Paalis din si Ms. Cherie for New York para dalawin ang mga anak na naka-base roon, at gusto raw niyang makasama muli ang mga anak at makipag-bonding dahil tuluy-tuloy ang work niya rito.

Pero naging seryoso si Cherie nang tanungin tungkol sa niece niyang si Andi Eigenmann. Oo raw, aware siya sa lahat ng mga nangyayari sa pamangkin niya, kaya lamang nang itanong sa kanya kung totoong si Jake Ejercito ang tatay ng anak ni Andi, ang sagot niya, “I think I’m not in the right position to be asked that question and it’s insulting for me.  Ask Andi, she has her story to tell.”  At sinabayan niya ng talikod ang kausap niya.

 

vuukle comment

JAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with