^

Pang Movies

Mga batang sina Mutya at Clarence humahataw agad sa pagho-host

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Parang walang kapaguran sina Mutya Orquia at Clarence Delgado dahil simula pa lang ng palabas sa ABS-CBN na Umagang Kay Ganda ay araw-araw na silang nakikihataw sa mga host nito. May show pa silang Goin’ Bulilit tuwing Linggo. Nadagdagan din ang raket ng dalawa dahil may bago silang show tuwing Sunday, ang Oyayi (Lullaby) tuwing 9:30 a.m. sa Kapamilya Network na release ng CBN Asia, Inc.

Dalawang beses nang mapapanood sina Mutya at Clarence tuwing Linggo, umaga at sa hapon. Mapapahiya ang ibang artista sa dalawang bulilit dahil hindi sila nariringgan ng reklamo kahit busy ang kanilang schedule. Sila ang nakuha sa Oyayi sa bagong children’s TV program na ang layunin ay mai-promote hindi lang ang pagmamahal para sa pamilya, kundi maging sa kultura at bansa.

Mas mailalabas nina Mutya at Clarence ang kanilang talent at skills sa hosting sa nasabing show dahil mas hands on ang kanilang gagawin. Hindi naman problema sa dalawang bata kung mayroon silang trabaho araw-araw dahil para lang daw silang nagpi-field trip at naglalaro sa show. Marami silang natututunan at nakakapasyal pa sa iba’t ibang lugar ng libre.

Magpapakilala rin ang Oyayi ng bagong character na sina Kuya Maki at Kuwago Zhibago kasama ng mga kiddie host. Hangad ng show na sa murang isipan ay mahubog ang mga bata at maging responsableng mamamayan at future leaders ng bansa.

In fairness, marunong nang mag-adlib sina Mutya at Clarence sa UKG at hindi lang basta palamuti ng show. Malaking bentahe ang ngiti ni Mutya at kakulitan naman ni Clarence. Challenge rin sa dalawa na mas gumaling pa as kiddie hosts na pambato ng ABS-CBN.

vuukle comment

CLARENCE DELGADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with