^

Pang Movies

Solenn ‘nainitan’ kay Kristoffer

Joe Barameda - Pang-masa
Solenn �nainitan� kay Kristoffer
Solenn Heussaff

MANILA, Philippines – Aliw na aliw kami sa pagka-straightforward ni Kristoffer Martin sa kanyang feelings. Hindi niya kasi itinago ang paghanga na meron siya para kay Solenn Heussaff nang mag-comment ito (Solenn) sa litrato na pinost ni Kristoffer sa Instagram kung saan siya nagwo-work out. Tinawag ni Solenn si Kristoffer ng “hot”, at hindi napigilan ng Kapuso leading man ang kanyang kilig.
Malapit nang mapapanood si Kristoffer sa GMA show na Hahamakin Ang Lahat kung saan makakatambal niya ang ex-girlfriend na si Joyce Ching.

Ara ginulat ang mga kaibigan 

Kahit kami ay natuwa nang muling nakasama ni Ara Mina ang dati niyang katrabaho sa award-winning gag show na Bubble Gang. Ayon sa aktres, bumisita siya sa taping ng programa after ng kanyang commitment sa pinakabago niyang soap sa Kapuso Network na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Sa kanyang Instagram posts, masayang sinabi ni Ara na nakakagaan daw sa pakiramdam na nakita niya ang kanyang dating mga katrabaho.

Hindi rin pinalampas ni Ara na maka-bonding sina Michael V at Antonio Aquitania. Sinabi rin niya na excited na siya para sa 21st anniversary show ng gag show.

Congrats kay AiAi

Samantala, we want to send our congratulatory message to AiAi delas Alas dahil siya raw ang tatanggap ng Pro Ecclesia et Pontifice medal mula kay Pope Francis. Ayon kay Bishop Antonio Tobias, kabilang sa mga pinararangalan ng nasabing medalya ang mga taong nagbigay ng natatanging paglilingkod sa simbahan.  

vuukle comment

KRISTOFFER MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with