^

Pang Movies

Diana parang hindi nanganak ang katawan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Diana parang hindi nanganak ang katawan
Diana

Natapos na ang panghuhula ng mga televiewer at encantadiks na hindi malaman kung sino ba ang mahiwagang aktres na gumaganap na Lilasari, ang sang’gre na may takip ang mukha dahil ang sinumang tumingin sa kanyang mga mata ay nagiging bato. Last Tuesday evening, ipinakita na kung sino siya.  At natupad ang wish ni Diana Zubiri na muli siyang makasama sa epic serye na nauna niyang ginawa noong 2005, ginampanan ni Diana ang role ni Danaya, na gina­gampanan ngayon ni Sanya Lopez. 

Hindi naging problema kay Diana kahit kapapanganak pa lamang niya sa panganay nila ng asawang si Chris. At hindi rin naman siya pinigilan ni Chris na tanggapin ang offer ng Encantadia dahil nami-miss niya ito. Thankful siya na kasama rin niya ngayon si Sunshine Dizon na bago rin ang role na ginagampanan, si Adhara.  Si Sunshine naman ang dating gumanap sa role ni Pirena na ginagampanan na ngayon ni Glaiza de Castro.

Napapanood ang Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

Alden at Maine tuloy na ang kasal?!

Nag-trending sa Twitter nationwide and worldwide last Tuesday afternoon nang ipakita nina Alden Richards at Maine Mendoza ang prenup pictorial nila mula sa Manny & April Photography na kinunan sa 38 Valencia Events Place ni Mother Lily Monteverde. Parte ito sa pagpapatuloy ng Kalyeserye sa Eat Bulaga na naghahanda na sa nalalapit na kasal nina Alden at Maine.  Pero ang AlDub Nation, hindi malaman kung real o reel ang napapanood nila.  Naguguluhan sila dahil may lumabas pang wedding invitation na ang nakalagay doon ay Richard Faulkerson Jr. at Nicomaine Dei Mandoza, ang real name nina Alden at Maine. 

Kaya tilian ang studio audience nang ipakita ang prenup pictorial na ang mga first shot ay parehong nakaputing outfit ang dalawa na naka-pantulog at nasa kama sila, nagkukulitan.

Comment sa Twitter, kahit daw ganoon ang shot ng dalawa ay wholesome pa rin ang dating nila,  parang ang bango at ang linis.  May mga shot din sila sa labas ng bahay na parang namamasyal sa garden, mayroon ding naka-wedding outfit na sila.  At dito napansin iyong dalawang engagement ring na suot ni Maine.  Iyong isa na may maliit na diamond, iyon ang suot niya noong namanhikan si Alden sa kanya noong Sabado, at suot niya doon sa pareho silang nakaputing outfit.  Pero doon sa naka-wedding gown na si Maine, ang suot niya iyong lagi niyang suot na sabi’y engagement ring na malaki na ang bato at hindi iyon itinatago ni Maine.

Ngayon, ang big question, totoo nga ba o bahagi pa rin ng Kalyeserye ang isang kasalan na magaganap daw sa Sabado, sa isang exclusive village sa south at invited ang fans ng dalawa? Isa ba itong pagdiriwang na tulad ng Tamang Panahon noong October 24, 2015 sa Philippine Arena, na sa Monday ay magkakaroon kaya ng isa pang grand celebration dahil first anniversary nila ito?

 

vuukle comment

DIANA ZUBIRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with