^

Pang Movies

Ryzza Mae naitsapwera na talaga?!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na raw surprising kung lalabas sa Metro Manila Film Festival sina Alden Richards at Maine Mendoza. Bago pa naman daw pumutok ang love team ng dalawa ay sadyang pinag-iisipan na silang isama sa darating na MMFF. Natural, discovery ng TAPE si Maine kaya kasali sila ni Alden sa Enteng Kabisote ni Vic Sotto.

Ang tanong lang, paano kaya si Ryzza Mae Dizon na dating paborito at kasali lagi sa MMFF entry ng APT? May tanong din kung kasama ba si Kris Aquino sa pelikula tulad ng nababalita noon?

Walang makakapagsabi kung kasali sa cast or sa kwentuhan lang si Kris. Si Ryzza kasi ay hindi na bata at hindi naman dalaga. Saan kaya siya isasalang na eksena?

Ang Hindi Nakikitang Pakpak malapit na

Sa October 20 up to 28 ay mapapanood na ang musical play na Ang Hindi Nakikitang Pakpak (The Invisible Wings) based on book na sinulat ng aktres na si Rita Avila at ididirek ni Joey Ting. Produced ito ni Joed Serrano na isa ring actor/director. Nagustuhan kasi niya ang likhang istorya ni Rita na librong pambata. Handog ito ng StateofStage Entertainment in cooperation with Heaven’s Best Entertainment.

Ang music ay likha ni Barbie Dumlao, ang liberetto by Chyna Roxas, adaptation naman ni Noel Tolentino. Mapapanood ito sa St. Scholastica’s College, Manila. May endorsement sina Cardinal Tagle at Bishop Ontiongco of CBCP.

Pasko sa Baliuag mas pinaaga

Maagang kapaskuhan ang nararamdaman ngayon sa Baliuag, Bulacan. Ipinalagay na kaagad ang mga Christmas lantern sa Baliuag Glorietta na sadyang ipinahanda ng mayor ng Baliuag na si Ferdie Estrella. Gusto raw niyang maging masaya ang mga kababayang ngayong darating na kapaskuhan. Maluwag na ang kalye sa plaza at walang vendors na nakakalat sa kalye. Bawal din ang pagsusuot ng mascara at bonnet sa mga naka-motor para makaiwas  sa mga nagpapanggap na terorista. Pusong Baliuag, Dugong Baliuag ang mensahe lagi sa naturang bayan.

Show ni Willie, dinadagsa ng mahihirap na malulusog

Damang-dama ang kahirapan sa tuwing mapapanood ang Wowowin. Sa ipinakikitang reaksyon ng mga nasa studio na gumagapang sa floor ang mga tao at nagsisirko para lang mapansin ni Willie Revillame.

Pantay-pantay ang mga tao sa studio kaya lang, may nag-comment kung talaga bang mahihirap ang sumasali sa contest bakit daw ang lulusog ng katawan nila?

vuukle comment

RYZZA MAE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with