^

Pang Movies

Michael ayaw mag-artista!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Michael ayaw mag-artista!
Andrew Tan with son Kevin at the Fundador building in Spain: “A new era begins not just for Fundador, but the whole brandy and sherry industry in Spain. This is an era that will bring in more innovations and new ideas.”

Ibang-iba na ang aura ng singer na binansagang kilabot ng mga kolehiyala na si Michael Pangilinan. Hindi ba’t parang kailan lang nang magsimula siyang kumanta-kanta sa ibabaw ng entablado?

Kumbaga, isang tipikal na mang-aawit lamang siya noong umpisa. Pero nagbago ang image niya nang maging isa siya sa mga contestant ng Your Face Sounds Familiar noon.

Dito napatunayan ng binata na bilang mang-aawit, kailangang flexible ka. ‘Yun bang marami kang puwedeng i-offer sa audience at ‘di ka lang stuck sa iisang genre ng mga kanta gaya ng ibang puro pa-cute at pa-pogi lang ang alam, ‘di naman marunong kumanta at umaasa sa lip sync. Minsan nga magtataka ka kung bakit ‘yung mga talagang singer, hindi nagkaka-album pero ‘yung mga feeling singer, basta sikat, nagdo-double platinum pa!

Anyway, sa show na ‘to mas lalong inibig ng madla ang binata. Marami ring nagsasabi sa kanyang manager na si Jobert Sucaldito na puwedeng pag-artistahin ang binata, may hitsura naman at puwede siya sa big screen ngunit mas nahasa raw talaga si Michael sa pagkanta.

Well, may kapalit na si Hajji Alejandro dahil isinalin na kay Michael Pangilinan ang titulong, Kilabot ng mga Kolehiyala!

Pari may request kina AiAi, Mark at Alden

Sa October 7 ang feast day ng Our Lady of the Most Holy Rosary. May special request si Rev. Fr. Arupo, ang Parish Priest ng simbahan, sa Golden City, Brgy. Dila, Sta. Rosa, Laguna kina Ms. AiAi delas Alas, Mark Herras, at Alden Richards.

Si Ms. AiAi ay may malaking naitulong sa pagpapagawa ng kumbento, sina Alden at Mark naman ay mga parishioner ng nasabing simbahan. Kasama na rin ang dating Sugarpop member na si Renzo Almario. Pati ang Magno Twins na alaga ni Ogie Diaz. Join the affair!

Actor-politician mukhang bungo sa kakasinghot

Grabe naman ang hitsura ng isang young actor-politician na umano’y naging biktima ng bawal na gamot. Sayang naman at naka-rehab siya ngayon. Wala pa siguro itong balak tumigil kundi dahil sa giyera ngayon nina Gen. Bato at Pres. Digong laban sa mga durugista.

Ewan ko kung may nakapansin noon pero ang sama na kasi ng fez ng nasabing actor-politician. Siyempre iisipin ng iba dahil sa work pero grabe, mukhang bungo!

Vice ayaw ipagsabi ang pagtulong

Ayaw ni Vice Ganda na isulat o pag-usapan ang mga pagtulong na ginagawa niya sa tao, lalo na sa ilang contestants ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime ng ABS-CBN. Basta masaya ang maga­ling na host sa kanyang ginagawa at bukal sa puso, okay ka! God bless you, Vice.

vuukle comment

ANDREW TAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with