^

Pang Movies

Manilyn pakakasal na sa simbahan!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Church wedding na lang pala ang kulang sa mag-asawang Manilyn Reynes at Aljon Jimenez.

Kinasal na sila noong 1996 sa Reno, Nevada at ilang beses na nilang pinaplano ang magkaroon ng church wedding. Pero hanggang sa nakatatlong anak na sila, hindi pa rin natutupad ang church wedding na iyon.

“Siyempre naman, pangarap ng lahat ng babae na magsuot ng wedding gown at maglakad papunta sa altar.

“Pero nandiyan pa rin naman iyon. Hindi nawawala sa isipan namin ni Aljon na one day matutuloy din ‘yan,” ngiti pa ni Mane. Pero ano nga ba ang nakakapagpigil sa kanilang plano na magpakasal sa simbahan?
“Maraming bagay din. Tulad ng trabaho natin. Very unpredic­table kasi ang trabaho sa showbiz.

“Minsan din naman naiisip namin na kinasal naman na kami, eh, kailangan pa ba ng kasal sa simbahan?

“Siguro kung itutuloy namin iyon, para na lang sa mga bata. Yung makita naman nila kaming kinakasal sa harapan ng isang pari, ‘di ba? Tapos sila ang best men ni Aljon,” diin pa ni Mane.

Kasalukuyang napapanood si Mane sa GMA primetime teleserye na Poor Senorita kung saan first time niyang nakasama si Regine Velasquez-Alcasid.

Kristoffer at Joyce nagpaka-professional para makaraket

Ang pagiging professional ang pinapairal ng dating magkarelasyon na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching kaya walang problema sa kanila ang makipagtrabaho sa isa’t isa.

Ayon nga kay Joyce ay bago naman daw sila nagkaroon noon ng relasyon ni Kristoffer ay naging magkaibigan muna sila kaya noong maghiwalay sila ay nanatili silang magkaibigan pa rin.

Para naman kay Kristoffer, ready siya anytime na makatrabaho ang kanyang ex-girlfriend. Wala raw dahilan para tumanggi siya na makatambal nito sa anumang project.

Kaya mapapanood ulit ang tambalang KrisJoy ngayong Linggo sa Dear Uge sa episode na The Walking Debt kung saan co-star nila si Kit-Kat.

Calvin Harris na-bore kay Taylor Swift!

Pagkatapos ng 15 months sa kanilang relasyon ay naghiwalay na sina Taylor Swift at ang boyfriend niyang si Calvin Harris.

Malaking shock nga ito sa fans ni Taylor dahil inakala nila na si Calvin na ang siyang makakatuluyan na ng top female singer ngayon.

Sa lumabas na balita ay si Calvin pa raw ang nakipag-break kay Taylor dahil na-bore na raw siya sa relasyon nila.

Nagkikita na lang daw sila ni Taylor kapag wala itong tour na pinagkakaabalahan at tila nawala na raw ang spark sa relasyon nila.

Isa pa raw na dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang Scottish DJ kay Taylor ay dahil sa insecurity. Isa kasi si Taylor sa pinangalanan ng Forbes magazine na top-earning female entertainers na may earning na higit sa $400 million.

Ayon sa Us Weekly, nag-open up daw si Taylor na si Calvin daw ang lalakeng gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda niya.

“She used to talk about their future a lot — marriage, babies. And although he wants all of that, it just felt a bit like she was all full-steam ahead, whereas he is more of a slow and steady, let things progress organically, kind of guy.

“It’s a shame because Taylor is a lovely girl. But it just obviously wasn’t meant to be.”

Unang nagkakilala sina Taylor at Calvin sa Brit Awards in London noong 2015. Naging sila na after a month at kase-celebrate lang nila ng kanilang first anniversary last March 2016.

vuukle comment

MANILYN REYNES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with