^

Pang Movies

Sarah nagtinda ng isda sa palengke, Alden nag-barker

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Wow! For the first time magkasama sa isang TVCommercial, si Pambansang Bae Alden Ri­chards at si Pop Princess Sarah Geronimo.  Pina­dalhan kami ng AlDubMaiden @officialaldub16 ng 15-second video teaser ng bagong TVC na magkasama sina @aldenrichards02 at @JustSarahG for @kaCebuana. 

Nasa teaser na si Sarah ay isang tindera sa panaderia, tindera rin ng isda sa palengke at si Alden katulong sa karinderya at barker ng jeep.  “Bakit? Abangan mga kaibigan Cebuana Lhuillier.”

Hay naku, ang ganda namang tindera sa panaderia at ng isda sa palengke ni Sarah at ang guwapo namang katulong sa karinderya at barker ng jeep si Alden.  Tiyak na-starstruck ang mga taong nakasama nila sa shoot ng TVC.  Ito rin siguro iyong announcement na ginawa ni Alden habang nasa Italy sila ni Maine Mendoza na abangan daw ang susunod niyang @kaCebuana TV commercial, very soon!

Maine wagi sa Pinoy Henyo

Dream come true kay Dubsmash Queen Maine Mendoza nang siya ang gawing celebrity partner ng mga contestant ng Pinoy Henyo sa Eat Bulaga kahapon. 

Matagal na pala niyang gustong maglaro nito kahit iyon daw ay great fear of her life. Kaya natuwa siya nang after maglaro nito si Alden Richards last Thursday na 46th weeksary nila, siya naman ang pinaglaro sa special day ng kalyeserye. 

Alden coached her para maka-relax siya at matutunan kung paano ito laruin.  Mga fans naman nila ni Alden ang naging contestants.  Good coach daw si Alden dahil madaling nakuha ni Maine at ng ka-partner niya ang jackpot na umabot ng P75 thousand.

Si Eddie Gutierrez naman ang naging special judge sa weekly finals ng Lola’s Playlist sa kalyeserye at inamin niyang nahirapan siyang pumili ng winner dahil mahuhusay lahat ang mga batang contestant na mga old song ang inaawit. 

Rocco palagi na lang hinahanap kay Sheena

Nagtataka si Sheena Halili na lagi pa ring si Rocco Nacino ang tinatanong sa kanya pagdating sa lovelife.  Naka-move on na raw sila pareho ni Rocco dahil matagal na silang nag-break at kung nagkikita man sila ay nagbabatian sila, minsan na rin silang nagtambal sa isang drama series sa GMA 7. 

Ngayon, wala man daw siyang lovelife, masaya siya dahil dalawa ang shows niya, ang daily primetime romantic-comedy na Poor Señorita at ang masayang programa nila ni Betong Sumaya na Laff, Camera, Action every Saturday afternoon. 

May isa pa siyang pinagkakaabalahan, ang paggawa ng genuine leather bags na ibinibenta niya online, ang Benisac. May kasosyo raw siya rito. 

Kumusta naman ang character niya bilang si Maika sa Poor Señorita?

“Masaya na ako dahil magkasama na muli kami ng aking boss, si Rita Villon (Regine) na gumaling na sa kanyang amnesia,” kuwento ni Sheena.  “Magtutulong na kami para mabawi niya ang kayamanan niyang inagaw ni Tita Deborah (Snooky Serna) sa kanya. Salamat sa aming mga tagasubaybay at sana lagi ninyo kaming panoorin gabi-gabi sa GMA7 after ng 24 Oras.”

vuukle comment

SOLOMON ISLANDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with