^

Pang Movies

Drug pushers ayaw tantanan ang mga artista!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Maliwanag na sa mga naglabasang report na ang music icon na si Prince ay namatay dahil sa overdose sa droga, isang painkiller na ginagamit ng mga cancer patient na sinasabing mas malakas pa sa morphine. Ang hindi maliwanag sa amin ay kung inireseta ba iyon sa kanya ng isang doctor, at kung bakit siya nabigyan nito. Nagkaroon siya ng overdose at iyon nga ang kanyang ikinamatay. Doon natapos ang kuwento.

Si Prince ay hindi lamang singer, isa rin siyang composer at musician. Malaking kawalan si Prince sa industriya ng musika, hindi lamang sa Amerika kundi sa buong mundo.

Natatandaan namin, mga dalawang taon na nga yata ang nakakaraan, may isang baguhang male star na nahuli sa isang rock concert sa Angeles City sa Pampanga na may dala ring droga. Dahil minor pa siya nang mangyari iyon, naitago sa media ang kanyang identity. Pero alam naman ng halos lahat sa showbiz kung sino siya kaya nga siguro naudlot ang kanyang career.

Dalawang linggo pa lang ang nakararaan, limang tao ang namatay dahil sa abuso sa droga. May labindalawa pa ang naisugod sa ospital dahil sila ay sinasabing nabentahan ng droga sa isang concert-rave party sa Pasay City.

Natatandaan din namin ang kuwento tungkol sa isang matinee idol noong araw na sinasabing ang ikinamatay daw talaga ay overdose sa droga. Ganoon din ang isang sexy star noong araw na nag-suicide at nang isailalim sa autopsy, nakita sa kanyang bituka ang hindi pa natutunaw na mga tableta ng kanyang nilaklak na droga.

Sa show business, marami nang biktima ang droga. Sinasabi ngang ang mga artista ang laging target ng mga pusher. May pera kasi silang pambili ng droga at dahil sa nature ng kanilang trabaho na kung minsan kailangang gising sila magdamag dahil sa taping, aba eh gumagamit talaga sila ng droga.

Mo Twister mahilig pakialaman ang sex life ng ibang tao!

Siguro nga ay isang paraan ng pagpapa-kontro­bersiyal para mapag-usapan ang ginawa ni Keanna Reeves na pag-amin sa mga aktor na nakatsugian niya. Pero palagay namin, ang mga bagay na iyan ay hindi na dapat inilalabas sa publiko. Pero talagang mahilig iyang si Mohan Gumatay, alyas Dj Mo Twister, na pag-usapan ang sex lives ng ibang tao, maging babae man, lalaki o bakla. Lagi siyang may tanong tungkol sa sex lives ng kanyang mga ini-interview sa show.

Kawawa naman ang mga nasasali sa usapan na may image na pinangangalagaan.

Sex video ng actor mabenta sa download

Apektado na pala pati ang pamilya ng isang male celebritry dahil sa dalawang sex videos niya na patuloy na kumakalat sa mga porn at social networking sites. Kumalat man iyan, walang papansin kung hindi siya sikat, kaso nagkaroon siya ng pangalan.

At hindi lamang sa Internet kumakalat, pinagpapasahan na rin kasi ito sa mga cell phone. May mga nakapag-download na kasi ng video.

vuukle comment

LIHIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with