^

Pang Movies

Tulad nina Kris Baste showbiz na showbiz din!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Matapos magpaliwanag ni Ellen Adarna tungkol sa mga larawan nila ni Sebastian “Barte” Duterte, ang anak naman ni incoming Presidente Rodrigo Duterte ang nagbigay ng kanyang statement.

Sa Tonight With Boy Abunda last Tuesday night ay binasa ng TV host na si Boy Abunda ang statement ni Baste.

“May common friends kami kaya kami nagkasama-sama. Pagkakataon ko na rin na magpasalamat sa kanya kasi very vocal siya sa pagsuporta sa papa ko during the campaign. Gano’n lang kasimple.

“Pero expected ko na rin na iintrigahin kami,” ang statement ni Baste.

Matatandaang nag-post si Ellen kamakailan ng mga larawan niya habang nasa Siargao Island siya at ilan dito ay makikitang kasama niya si Baste kaya mabilis na nagkaroon ng ispekulasyon na baka may namumuong something sa kanila.

Pero sa kanyang Instagram account ay nilinaw din naman agad ni Ellen na magkabigan lang sila at may ibang dyowa raw si Baste.

But in fairness to Baste, mukhang very approachable siya at hindi isnabero. And this early, parang nakikinita-kita na naming mukhang magiging malapit din si Baste sa showbiz tulad din ng mga anak ng ating past presidents tulad nina Imee Marcos, Kris Aquino, Mikee Arroyo, Jo Ramos (RIP). Of course kasama na rin dito ang lahat ng anak ni dating Presidente Joseph Estrada bilang galing naman talaga siya sa showbiz.

Garie tanggap ang anak ni Michael

Aminado si Garie Concepcion na ikinagulat niya ang pag-amin ni Michael Pangilinan tungkol sa kanilang relasyon last Monday night sa Tonight With Boy Abunda.

“Hindi ko po talaga alam na he was going to do that,” sey ng anak ni Gabby Concepcion nang makatsikahan namin sa premiere night ng Pare Mahal Mo Raw Ako na pelikula ng kanyang boyfriend.

“Even after his interview –I knew he was interviewed- he messaged me, sabi niya, ‘manood ka, nakakatuwa ‘yung interview’. So ako naman, nood naman ako.”

Anon’g reaksyon nya?

“Nakakataba po ng puso to know na someone is proud to be with you. It was a surprise, pero good surprise naman po,” she said.

Tulad ni Michael, ayaw nang i-share ni Garie kung kailan sila naging sila ng kapwa singer basta say niya, bagung-bago pa lang ang kanilang relasyon.

Natanong din namin si Garie kung tanggap ba niya ang baby ni Michael at sagot niya, “who am I to not accept the child? Lumaki rin po ako na tinanggap ako ng mga stepfather ko. Saka ngayon po, what’s important kung paano si Michael now. It’s not important na po kung ano ‘yung nakaraan niya, kung ano ang nangyari, what’s important to me po is kung paano siya maging ama sa bata and I see it naman po, napaka-hands on po niya, napaka-responsible niya.”

Alam na raw ng ate KC Concepcion niya at iba pang mga kapatid ang tungkol sa relasyon nila at ang advice lang daw nito sa kanya, “just enjoy”.

Hindi pa raw nami-meet ng daddy niyang si Gabby Concepcion si Michael pero alam naman daw nito ang nangyayari sa kanyang buhay.

Dumalo si Garie ng premiere night ng Pare Mahal Mo Raw Ako bilang suporta sa kanyang boyfriend. The movie is showing on June 8 mula sa direksyon ni Joven Tan.

Sarah tiradora

Panibagong pagsubok ang haharapin ng pambansang hero na si Super D (Dominic Ochoa) ngayong makakasagupa niya si Tiradora na gagampanan ng Kapamilya actress na si Sarah Lahbati sa primetime fantasy series na My Super D.

Lumaki sa simpleng buhay ang dalagang si Ulah (Sarah Lahbati) kasama ang kanyang mga magulang. At upang makatulong sa kanyang pamilya, sumasali siya sa iba’t ibang beauty contests upang kumita ng pera. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nasira ang kanyang mukha nang masabugan siya ng bombang dala ni Super D.

Simula noon, kinatakutan na si Ulah ng mga tao dahil sa pagkasira ng kanyang hitsura. At sa tulong ni Zulueta (Ronaldo Valdez), ang mortal na kaaway ni Super D, magta-transform siya bilang si Tiradora at maghahasik ng lagim gamit ang makapangyarihang tirador.

Dapat ding abangan sina Niño Muhlach at ang kambal na sina Fourth at Fifth Solomon sa kanilang pagganap bilang ang mga kontrabida na sina Negastar at Bilbilly na nakatakdang magpahirap sa buhay ng pambansang superhero.

vuukle comment

ALEX BALCOBA

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with