^

Pang Movies

Petite actress na may asawa, tuloy ang relasyon sa tibo!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Tomboy ang na-sight na kasama ng petite actress habang rumarampa ito sa isang mall, somewhere in Mandaluyong City.

Nagmalisya ang mga eyewitness dahil may reputasyon na pumapatol sa kapwa babae ang aktres.

Naghinala ang mga saksi dahil kahit discreet ang mga kilos ng dalawa, ramdam na ramdam daw nila ang pilit na nagpupumiglas na sweetness ng dalawa.

May mhin na asawa ang aktres pero nali-link ito sa mga tomboy, kahit noong bagets pa siya dahil puro tivoli ang mga kabarkada niya.

Laos na aktres na diring-diri sa mga tomboy noon, pinangangalandakan ang kapwa babae na katsugian ngayon

Pinagtatawanan naman ang isang has-been actress dahil ipinangangalandakan nito ang pakikipagrelasyon sa tomboy.

Parang kailan lang, diring-diri ang aktres sa mga babae na nababalitaan niya na dyowa ng tomboy pero nakarma siya dahil kapwa babae ang kanyang katsu­gian ngayon.

Pathetic ang has-been actress dahil lahat ng klase ng publicity stunts, ginagawa niya para mapag-usapan siya, kesehodang katsipan ang mga isyu.

Jenny Miller saksi sa mga kawalwalan sa Forever Summer event

Naki-rave party pala sa Close Up Forever Summer event ang mag-asawang Carlene Aguilar at Yo Ocampo, kasama ang kanilang friend na si Jenny Miller.

Nalungkot si Jenny nang malaman nito na may mga namatay dahil sa heart attack sa party na pinuntahan nila nina Carlene at Yo sa Mall of Asia Concert Grounds.

“So saddened with the news that 5 people died last night at Close Up Forever Summer Rave Party.

“Nakakatakot ang mga kabataan ngayon because they’re aggressive to explore drugs to the point that it’ll be the cause of their death.

“ Sayang ang mga buhay at nakakaawa ang mga mahal nila sa buhay na naiwan nila. Hoping for the new government under #DU30 administration to stop the drug abuse cases most especially to the young ones.

“A realization came up to me that nakakaawa ang mga kabataan ngayon na di masaya sa buhay nila dahil sa mga problema, napasama sa maling barkada and sorry to say, somehow not well guided by their parents para lang makalimot pansamantala.

“Sobrang daming tao last night compared to all the rave parties I’ve attended to at talagang wild,” ang kuwento ni Jenny na nasaksihan ang pagwawala ng mga partygoer.

Hindi lamang mga bagets ang namatay sa pinag-uusapan na party dahil may biktima rin na 36-years old na. Kawawa talaga ang mga naulila ng mga biktima, lalo na ang isang binawian ng buhay na may asawa at maliliit pa ang mga anak.

Aktres binura na ang kaugnayan sa asawa

Natsitsismis na hiwalay na ang isang aktres sa kanyang non-showbiz husband dahil hindi na sila nakikita na magkasama.

Hindi na rin ginagamit ng aktres ang family name ng kanyang dyowa at burado na rin ang mga litrato nito sa social media accounts niya.

Dumalo ako sa kasal ng mag-asawa at witness ako sa genuine happiness nila. Sana nga, tsismis lang at walang katotohanan ang balita na hiwalay na sila.

vuukle comment

ASD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with