^

Pang Movies

Kung kailan may concert Solenn biglang nawalan ng boses

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang Fantaisie group interview nina Lovi Poe at Solenn Heussaff ngayon.

Pero balitang walang boses si Solenn kaya malamang ma-solo ni Lovi ang group interview. Malat na malat daw kasi si Solenn.

Marami ang excited sa Fantaisie interview na ito dahil matagal-tagal na ring hindi naiinterbyu si Lovi ng entertainment press.

May ibang mga nagtatanong kung sasagutin ba ni Lovi ang mga issue tungkol sa kanyang lovelife.

Pero ang alam ko, kabilin-bilinan ng mga namamahala ng Fantaisie concert na mag-concentrate muna sa promo ng project na ‘yon nina Lovi at Solenn kesa sa mga intriga sa kanila.

Balitang magpapatalbugan sina Lovi at Solenn sa paseksihan ng mga damit na isusuot sa nasabing concert na mapapanood sa Music Museum sa Saturday, February 6.

Kasalang Erwann at Anne hinihintay na ng kani-kanilang pamilya

Sa isang interview kaugnay ng pelikula niyang Love Is Blind, nausisa si Solenn kung dapat na bang magpakasal ang kapatid niyang si Erwan Heussaff at Anne Curtis?

Ang sagot ni Solenn ay big “Yes!”

Matagal-tagal na rin kasi ang relasyon nina Erwan at Anne at sobrang mahal na mahal nila ang bawat isa, kaya para kay Solenn, puwede na talagang magpakasal ang kanyang kapatid at si Anne.

Tanggap na tanggap din ng pamilya ni Solenn si Anne at ganun din ang pamilya ni Erwan sa actress.

Kiray laging karay-karay ang pamilya sa mga party

‘Kaloka itong si Kiray Celis, huh!

Sa shooting pala ng Love Is Blind kung saan ay may “kissing scene” ito with Derek Ramsay, nag-“inarte” raw si Kiray at sinabing parang hindi niya kayang makipaghalikan, ‘noh?!

Siyempre, habang nagda-dialogue ng ganoon si Kiray, para naman siyang kinikilig-kilig!

Anyway, maraming happy for Kiray dahil nabigyan siya ng big break ni Mother Lily Monteverde sa Love Is Blind.

At least, bida na si Kiray, huh!

Payo nga pala kay Kiray, ngayong bida ka na, dapat kapag uma-attend ka sa mga party ikaw na lang mag-isa o kaya may isang escort lang at hindi ‘yung buong pamilya ang kasa-kasama mo like sa ibang mga party na nakikitang karay-karay ang pamilya mo!

Tinig ng Maynila proyekto ni Erap

Ang Tinig ng Maynila Press Presentation kahapon sa Bulwagang Katipunan sa Manila City Hall.

Ang event na ‘yon ay proyekto ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Isa si Mayor Erap sa mga artistang naging pulitiko na hindi nakakalimot sa mga taga-showbiz at palaging masaya kapag nakakahalubilo ang entertainment press kaya ok lang na hinintay siya namin.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG FANTAISIE

ANG TINIG

ANNE CURTIS

BULWAGANG KATIPUNAN

KIRAY

LOVE IS BLIND

LOVI

MGA

SOLENN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with