^

Pang Movies

Aktor na pabebe kung magpaseksi sa mga pelikula, bumibida sa ?video scandals

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi pa rin natitigil ang paglabas ng video scandals ng mga local actor natin.

Nitong huli lang ay may lumabas na namang video scandal ng isang dating sexy actor na ngayon ay sinusubukang magdirek ng indie films.

Sa mga screen shot na lumabas, kitang-kita ang mukha ng former sexy actor at ang kanyang tattoo sa kanyang braso. Mabilis ngang nahulaan ng marami na ang sexy actor na ito.

Mukhang hindi naman daw luma ang mga kuha ni sexy actor at parang bago lang ito. May katabaan na kasi ang da­ting sexy actor at iyon ang hugis ng katawan niya sa mga litrato.

May asawa at anak na ang naturang former sexy actor at tiyak na magiging issue ito sa kanila dahil may nagkalat nga ng kanyang intimate moment sa kung sino ang ka-video chat niya.

Aktibo pa rin sa paglabas sa mga teleserye ang former sexy actor at tiyak na pagpipiyestahan siya ng marami dahil noong baguhan pa lang ito, hanggang puwet lang ang kaya niyang ipakita sa mga sexy movie na nagawa niya.

Sa Internet lang pala makikita ang lahat-lahat sa former sexy actor. At may kung ano’ng bonus pa na lalong nakadagdag sa pagnanasa sa kanya ng kanyang gay fans. At siyempre, tulad ng ibang may video scandal, malamang na mag-deny din siya kahit na kitang-kita na ang mukha niya.

Pia todo rampa sa Inside Edition

Nakabalik na nga sa U.S. si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach pagkatapos niyang um-attend ng wedding nina Vic Sotto at Pauleen Luna noong nakaraang January 30.

Agad-agad na kailangang makabalik si Pia sa U.S. dahil kailangan na niyang maghanda para sa kanyang gagawing pag-report sa magaganap na Super Bowl 50 sa Levi’s Stadium in Santa Clara, California.

Kinunan ng programang Inside Edition ang paghahanda ng Miss U sa kanyang pagiging special correspondent para sa naturang programa kunsaan host si Deborah Norville.

Makakasama ni Pia ay ang regular correspondent ng Inside Edition na si Megan Alexander.

Pagdating nga raw ni Pia sa San Francisco International Airport ay sinalubong siya ng maraming Pinoy fans na naka-miss sa kanya dahil sa isang linggo din siyang nagkaroon ng homecoming sa Pilipinas.

Masuwerte si Pia dahil nasa ika-50th season na ang Super Bowl at special ang mga magaganap. Kasama na rito ay ang pag-perform nina Beyoncé at Chris Martin sa Super Bowl Half-Time na tinatayang magiging “most watched event on U.S. television”.

Isko big fan din ni Gloc-9

Ang rapper na si Gloc-9 ang nasa likod ng hit rap song na Pareho Tayo na last January lamang ini-release at nakakuha na agad ng higit na 11,000 plays at 900 downloads.

Ang music video mismo ay nakakakuha na ng higit na 43,000 views on YouTube.

Dahil sa malakas na dating ng mensahe ng Pareho Tayo, ginamit ito na slogan ni Manila Vice Mayor Isko Moreno para sa pagtakbo niya bilang senador.

Inamin ni Vice Mayor Moreno na isa siyang big fan ni Gloc-9 at sinusundan niya ito sa social media.

Aware din si Gloc-9 sa mga tumatakbong mga pulitiko at magiging maingat daw siya sa pagpili kung sino ang susunod na magiging leader ng a­ting bansa.

“Ang mahalaga ay ang plataporma para sa libreng pa-ospital at gamot para sa mahihirap,” pahayag pa ng rapper.

Kung tutuusin ay marami nang mga pulitiko ang gumamit na ng mga awitin ni Gloc-9.

Kabilang na rito ay si Manny Villar in 2010 nang gamitin nito ang awitin na Simpleng Tao.

Na-acquire ni Atty. Rico Quicho ang awiting Pareho Tayo pagkatapos ng pakikipag-negotiate sa management office ni Gloc-9 na PPL Entertainment.

Samantalang nagbabalik si Gloc-9 sa kanyang naging unang recording company na Star Music. Pumirma siya ng exclusice recording contract kamakailan.

vuukle comment

ACIRC

ACTOR

ANG

CHRIS MARTIN

GLOC

INSIDE EDITION

MGA

NBSP

PAREHO TAYO

SEXY

SUPER BOWL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with