^

Pang Movies

Derek kailangang may patunayan sa love… nila ni Solenn!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May panahong sinasabi na si Derek Ramsay ang siyang pinakamalakas na actor sa takilya. Bakit nga ba hindi, eh kahit na sunud-sunod ang kanyang mga pelikula, kumikita namang lahat iyon.

Minsan nga hindi ba, kahit na iyong isang maliit na project lamang na hindi nila inaasahang magiging malaking hit, naging monster hit at ang bida ay si Derek. Magugulat ka dahil kahit na low budget lang iyon, at baguhan pa nga ang kanyang leading lady, nagawa niya itong big hit.

Kaya hindi natin masasabing mahina si Derek pagdating sa takilya.

Pero kung minsan, nasisilat din. Hindi rin naman natin maikakaila na ang pelikula niya noong nakaraang film festival ay nasilat sa takilya.

Ngayon umaarangkada na naman nga si Derek sa promo ng kanyang pelikulang Love is Blind.

Isa iyong comedy love story na ang target ay Valen­tines day. Si Solenn Heussaff ang leading lady niya sa nasabing pelikula. Sinasabi ngang mukhang may conflict dahil one week lang bago ang kanilang pelikula, may isa pang pelikula si Solenn na ilalabas na katambal naman si Dennis Trillo.

Tiyak na mag-aabot sa sinehan ang dalawang pelikula, so ang inaasahan niyang Love is Blind ay iyong lakas talaga ni Derek.

Marami naman ang naniniwala na kaya niyang dalhin ang pelikula.

Habang sinasabi nilang tangay nga nila ang mahihilig sa medyo sexy dahil kay Solenn, iyon naman daw mahihilig sa comedy ay tiyak na matatangay ni Kiray Celis. Sa presscon pa nga lang tinatawanan na ang mga joke ni Kiray, eh ‘di lalo na nga sa pelikula.

Pero para kay Derek, mukhang mahalaga ngang kumita ang pelikulang ‘yan. Kasi ‘yan nga ang magiging panibagong sukatan ng kanyang popularidad. At kung kikita naman nang malaki ang pelikulang, alam na natin kung bakit mahina ang sinundan niyang pelikula. Hindi na natin ipagtatanong pa kung bakit.

Ciara nagparinig sa ‘third party’

Nagtatanong lang naman sila, kinukumpirma raw ba ni Ciara Sotto na third party nga ang dahilan ng paghihiwalay nilang mag-asawa?

Kinukumpirma na raw ba niya na ang third party ay isang artista rin? Natanong nila iyon dahil sa naging reaksiyon ni Ciara sa sinabi ng isang follower niya sa isang social media network.

Mahirap mong sabihin na kinukumpirma nga niya, dahil iyon naman kanyang naging sagot ay simple lang. Inaayunan niya ang observation ng kanyang follower. Pero posible rin naman na umaayon ka sa opinion ng isang tao nang hindi naman nangangahulugan na nangyayari rin iyon sa buhay mo.

Ang masasabi lang namin diyan, maliban na nga lang kung si Ciara na ang magsalita mismo tungkol sa mga sinasabing pagloloko ng kanyang asawa, hindi kami maniniwala.

Video scandal ng mga model, sexy star at isang male personality sobrang laswa at tiyak na kakalat na

Nakita na namin iyong sinasabing mga vi­deo scandal. Iyong isa ay isa sa mga baguhan sa isang noontime show. Iyon namang isa na sinasabing sexy star ay nakagawa na nga ng ilang pelikulang indie, at nanalo sa isang mga male personality pageant noon. Hindi na kami magtataka kung mayroon man silang sex videos.

Ang hinihintay namin ay iyong sinasabing scandal ng dalawang sikat na male model. Kailan kaya lalabas iyon?

vuukle comment

ACIRC

ANG

CIARA

DEREK

HINDI

ISANG

IYON

NAMAN

NGA

PELIKULA

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with