^

Pang Movies

Baguhang aktres na ginulpi umano ng isang direktor, tuloy ang reklamo

Jun Nardo - Pang-masa

Pinabulaanan ng baguhang artista na si Dalin Sarmiento ang pahayag ng director na si Jay Altarejos sa pep.com.ph na naaayos na ang sigalot sa kanilang dalawa.

Sa pahayag ni Dalin na pinaabot ng manager niyang si Girlie Rodis, hindi raw siya kinontak personally ni Direk Jay. Wala rin daw siyang text na ipinadala. Hinamon niya ang director na ilabas ang screenshot ng message niyang ‘yon bilang ebidensiya.

Nais kasi ni Sarmiento na aminin ni Direk Altarejos sa sinaktan siya ng walang warning at maglabas ng public apology. Until now, hindi pa raw tinutupad ‘yon ng director.

Nagsampa na ng administrative case si Dalin sa DGPI (kung saan member si Jay), PAMI (na naglabas na ng sulat na hindi umayon sa ginawa ng director), at KAPPT. Nilapitan na rin niya ang grupong Gabriella na nangakong susuportahan siya sa nangyari sa kanya.

Kaya naghiwalay, aktres binulyawan daw ang sariling manager

Tinanong namin ang isang kilalang manager tungkol sa tsismis na diumano ay sinigawan siya ng alagang aktres kaya naging mitsa ‘yon ng hiwalayan nila.

Tanong din ang naging sagot sa amin ng manager. “Ikaw ba, kaya mo akong sigawan?” Siyempre, hindi ang sagot namin dahil may respeto kami sa kanya.

Pero sa totoo lang, dinipensa pa ng ma­nager ang dating alaga, huh! “In fairness naman sa kanya, never siyang nanigaw. Maski na nga kasambahay niya, never niyang sinigawan sa ilang taon nilang pagsasama,” sabi sa amin ng res­petadong manager.

Aktor tinakasan ang baguhang produ, milyones na puhunan tinangay

Umiiyak daw ang isang baguhang movie producer dahil sa nawalang pera na ipinagkatiwala sa humalina sa kanyang mag-invest sa isang pelikulang naipalabas na.

Eh, nabola ang investor ng isang aktor na kasama rin sa cast.

After kasing mapalabas ang movie, lumayas ang aktor papuntang abroad dala ang ilang milyong nakulimbat sa pera ng producer.

Kaya naman kahit gusto pang mag-produce eh, umayaw na ang negosyante dahil sa masaklap na unang karanasang pagsusugal sa showbiz!

Sports personalities na sina Keiffer at Alyssa, hindi na inililihim ang relasyon

Suportado ng basketbolistang si Keiffer Ravena ang nali-link sa kanyang volleyball player na si Alyssa Valdez nang tumanggap ng award ang star player ng Ateneo mula sa spin.ph.

Hindi naman nang-agaw ng eksena si Kieffer. Tahimik lang siyang nakaupo. Pero dahil kilala siya, may mga humingi ng selfie sa kanya.

Although wala pang direktang aminan, obvious naman sa ikinikilos nina Keiffer at Alyssa na meron na silang relasyon, huh!

 

vuukle comment

ACIRC

ALYSSA

ALYSSA VALDEZ

ANG

DALIN

DALIN SARMIENTO

DIREK ALTAREJOS

DIREK JAY

GIRLIE RODIS

JAY ALTAREJOS

KAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with